Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

The MRT challenge

00 Bulabugin jerry yap jsyHUMANGA tayo sa ginawang pagsakay ni Senator Grace Poe sa MRT.

Minabuti niyang sumakay sa MRT upang maranasan ang ginagawa ng mga ordinaryong commuter.

Mula sa pagpila sa North Avenue Station hanggang sa pagbibiyahe patungong Taft Avenue Station sa Pasay City.

Hindi siya nagsama ng sandamakmak na media people o camera man.

Dahil hindi naman niya layunin na pag-usapan ang pagsakay niya sa MRT.

Ang ginawa niya ay bilang bahagi ng kanyang paghahanda sa nakatakdang imbestigasyon sa Lunes (Setyembre 1) na isasagawa ng Senate Committee on Public Services na kanyang pinamumunuan.

Iimbestigahan ng kanyang committee ang sunod-sunod na aberya sa operasyon ng MRT na ikinasugat ng marami.

At sa kabilang ng insidenteng iyon ay wala pa rin masabi si Department of Transportation and Communications (DoTC) Secretray Joseph Emilio Aguinaldo Abaya, kung paano niya ipararamdam sa mga commuters na ligtas sila kapag sumakay sa MRT.

Ang pagsakay ni Sen. Poe sa MRT ay malayong-malayo sa ginawang pagsakay ni Abaya na hindi pumila bagkus ay nag-short cut pa at pa-VIP ang dating.

Talaga bang hindi man lang tinatalaban ng kahihiyan ‘yang mga letseng taga-DoTC?!

Okey lang daw ang MRT, wala raw problema.

‘E hindi nga maramdaman ng commuters na ligtas sila ‘e!

Saan ka naman nakakita na ‘yung mass transit o mass transportation e palpak?!

Onli in da Pilipins!

Sa ibang bansa, ‘yang mass transit o train nila ang pinag-uukulan nilang pagbutihin at gawing moderno dahil makatutulong sa ekonomiya at sa gobyerno kung maagang nakararating sa kanilang destinasyon ang mga empleyado, estudyante at iba pang commuters.

‘E dito sa Pinas, drawing lang ang MRT. Pinagkikitaan ang bidding at operations. At kapag kumita na ang mga ‘LINTA’ bahala na ang mga commuter sa buhay nila.

‘Yan po ang MRT sa Philippines my Philippines.

Anong say mo, Secretary Abaya?!

BOOKIES NI “JO MARANAN” CODE NAME TONTON NAMAMAYAGPAG SA MAYNILA!
(ATTN: SILG MAR ROXAS)

Maraming BOOKIES ng kabayo, Lotteng at Bol-Alai ang sandaling nagligpit dahil sa taas at laki ng tara na ipinataw ng mga bagman ng Manila city hall at MPD.

Isa raw sa nalugi at lumubog ang isang 1602 operator na si PASYA na nag-iwan pa raw ng maraming sabit sa kanyang mga obligasyon sa Maynila at para sa ‘nacional.’

Ito rin ang paraan ng ilang bagman para maipasok nila ang kanilang mga ‘alagang gambling lord na masulot ang 1602 operation sa lungsod.

MPD DD Gen. Rolando Asuncion, kahit i-veri-fy pa n’yo ang info na ito sa dalawang sikat na bagman ngayon na sina alias JONAT BONSAI at SPO-2-10 R-ROBLEZ!

At ang mapalad na pinasahan ng korona ang beteranong gambling lord na si JO MARANAN na s’yang nag-o-operate ngayon ng mahigit 200 butas ng bookies ng kabayo, lotteng at bol-alai.

Ang mga butas ni MARANAN na may code name TONTON ay namumutiktik ngayon sa AOR ng MPD PS-4,PS-6 at PS-10.

Naka-sentro ang 1602 ni Maranan sa Sta. Ana Maynila dahil mas malakas daw ang kobransa Tondo.

Sonabagan!!!

Ganito na ba sa Maynila ngayon!?

Pakisagot lang DD Asuncion!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …