SA Black Sect Feng Shui, gumagamit ng wind chimes para sa ilang mga lunas. Ang tamang tunog ay epektibong nag-a-adjust sa chi ng space, nagsusulong ng positibong atensyon at nagpapaganda ng mood. Maaari nitong mapagbuti ang iba’t ibang erya ng iyong buhay, kabilang ang iyong career at reputasyon – kung isasabit sa iba’t ibang kwarto o iba’t ibang erya ng Ba Gua.
Idagdag pa rito, ang wind chimes na nakasabit sa pagitan ng front door at hagdanan, na maaaring magreresulta sa mabilis na paglabas ng pera mula sa bahay, ay maaaring magpabagal sa pagdaloy ng chi at magpapabuti sa iyong pananalapi.
Ano mang wind chimes na iyong mapipiling isabit bilang Feng Shui cure ay nararapat na may metal tubes na maglalabas ng clean, sweet, clear sound; may limang tubes na kumakatawan sa Five Elements; mainam pagmasdan at hindi makasisira sa iba pang mga dekorasyon sa bahay.
Subukan ang wind chimes upang mabatid kung paano ito makatutulong sa pagpapabuti ng iba’t ibang erya ng iyong buhay, katulad ng career, fame and reputation, energy, wisdom and relationship.
Isabit ang wind chimes sa fame and recognition area ng Ba Gua upang makatulong sa pagpapabuti ng iyong reputasyon at magsusulong ng paglago ng career at makatatawag ng atensyon kaugnay sa iyong talento.
Kung isasabit ang wind chimes sa wisdom and learning portion ng trigram (kung ilalatag ang Ba Gua sa single room o sa buong bahay) ito ay magsusulong ng malinaw na pag-iisip at magpapaigting pa sa iyong talino.
Para sa career, kung kulang ka sa enerhiya, bagama’t sapat ang iyong tulog, at naiposisyon mo ang iyong kama sa command position ng bahay, ang wind chimes sa sentro ng bedroom ay makatutulong. Ito ay makatutulong sa paglaban sa depresyon at magbibigay ng enerhiya sa pagsusulong ng iyong mga adhikain.
Ang nakikitang kalan mula sa front door ay nagdudulot ng dangerous chi na maaaring magresulta sa mga pag-aaway, argumento, aksidente at negatibong epekto sa kalusugan ng pamilya. Ilagay ang wind chines sa front door o sa itaas ng stove – o sa saan mang lugar sa pagitan ng pintuan at kalan – upang makontra ang negatibong epekto.