DALAWANG magkaibang kuwento ang aming nasagap mula sa isang katrabaho sa GMA tungkol sa umano’y pagiging enchanted ng Madlum River, ang ilog na matatagpuan sa San Miguel, Bulacan that claimed at least seven lives ng mga mag-aaral ng Bulacan State University, kabilang na ang dating EB Babe na si Maiko Bartolome.
All tourism students who were promised to get high grades sa kanilang pakikilahok sa field trip, ang dapat sana’y educational tour at trek na ‘yon sa kabundukan ng Biak-na-Bato ended in a tragedy kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan nitong Martes, August 19.
Dahil isang tourist attraction ang natural na ganda ng Madlum River kung kaya’t hindi lang pala ito isang paboritong pasyalan ng mga mahihilig sa adventure, suki na rin pala ang mapanghalinang pook na ‘yon sa mga nagteteyping o nagsu-shooting.
Kumbaga sa mga sabi-sabi na nagpasalin-salin, minsan na raw palang nag-shooting doon ang namayapang superstar na si Julie Vega. Kasikatan noon ni Julie, kaya naman ang mga residente roon na mga tagahanga ng batang aktres ay hindi magkamayaw.
Ang kuwento—na para sa amin ay mahirap paniwalaan—there was an elderly woman who wanted a photo taken kasama si Julie. But for some reason, hindi napagbigyan ang matanda.
Dahil doon, pinaniniwalaang naging sanhi ‘yon ng malubhang karamdaman ni Julie that led to her death. Isinumpa raw kasi siya ng matanda which—again—is hard to believe.
Ang sumunod na kuwento namang aming narinig also leaves a room for doubt. Nangyari naman daw ito about three years ago, still our co-worker in GMA whose brother bore a living witness to this incident.
Taping daw ‘yon ng isang programa na kinunan mismo sa Madlum River. Siyempre, nagkalat ang production staff sa paligid.
Pasintabing muli, isang crew na naghuhugas lang daw ng kanyang mga kamay sa nasabing ilog—all of a sudden—disappeared in sight.
Puwedeng totoo at puwede ring salat sa katotohanan ang mga kuwentong ito that can pass for legends, nasa sa atin na kung paniniwalaan natin ang mga kuwentong ito.
But one thing’s for sure—Biblically, that is—Thy will be done.