Monday , December 23 2024

Sa tapat mismo ng Manila City Hall holdapers nagpi-piesta! (Malaki na talaga ang ipinagbago!)

00 Bulabugin jerry yap jsyIBA na talaga ang MAYNILA ngayon!

Ang laki-laki ng ipinagbago —— mantakin ninyong sa tapat mismo ng Manila City Hall nagpi-piesta ang mga holdaper na de-baril.

PAGING Manila Police District (MPD) director, Gen. Rolando Asuncion, MPD Ermita police station commander, Supt. Romeo Macapaz at Lawton PCP chief, C/Insp. Elmer Roseo, mahiya naman kayo sa mga nangungulubot d’yan sa pagitan ng mga hita ninyo dahil hindi kayo tumatayo at kumikilos — may PIESTA (talamak) ang mga holdaper na de-baril sa tapat mismo ng MANILA CITY HALL!

Alam ba ninyo na araw-araw ay mayroong nahoholdap d’yan sa LAGUSNILAD?!

Ilang report na ba at nagpa-blotter d’yan sa mga tanggapan ninyo na sila ay nabiktima ng mga holdaper na de-baril?!

‘Yung blotter hindi lang isinusulat ‘yan o dahil magdedemanda ang biktima kundi dapat gamitin ninyong tools para pag-aralan ninyo kung saan nagpupugad at saan nambibiktima ‘yang mga halang ang bitukang holdaper na de-baril.

Alam n’yo bang hanggang ngayon ay nag-iiyak (trauma) pa rin ‘yung batang ihahatid ng kanyang mga magulang sa school dahil nakita at narinig niya kung paano mangholdap ‘yang mga walanghiya na ‘yan!

At talagang papatay ng tao dahil sa tatlong holdaper, DALAWA ang may dalang baril.

‘Yung mga alam ninyong holdapan, reported incident lang ‘yan, e paano ‘yung mga hindi nagre-report dahil natatakot sila at iniisip nila na tao-tao ng mga pulis ‘yang mga holdaper na ‘yan?!

E paano naman natin hindi pagdududahan na bata-bata ng mga pulis ‘yang mga holdaper na ‘yan, ‘e ang lalakas ng loob mangholdap at magdala ng baril sa Ermita area.

Alam ninyo ‘yang mga holdaper, hindi naman mga engot ‘yan. Hindi naman manghoholdap ‘yang mga ‘yan kung wala silang inaasahan na sasangga sa kanila.

General ASUNCION, ano ang ginagawa ng mga bata mong sina MACAPAZ at ROSEO?!

Pakaang-kaang at naghihintay ng parating sa mga OSDO?!

Nasaan ang police visibility na ipinagyayabang n’yo!?

Saan ba kayo nanghihiram ng kapal ng mukha!

DEDMA SA MGA ANOMALYA SA BI-ANGELES

Dedma pa rin ang mga kagalang-galang na mataas na opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa main office sa mga ibinulgar nating mga kaaliwaswasan ng mag-asawang Albert and Alien Control Officer (ACO) Janice Corres ng BI – Angeles Field Office.

Ito’y matapos abusuhin ng huli ang ibinigay na exemption para sa Office Order No. SBM-2014-12 re sa “Temporary Visitor’s Visa Extension of Chinese Nationals” na ibinigay sa Fontana and Leisure Resort para i-extend ang stay ng mga kliyente nila sa Casino.

Ni hindi man lang daw hiningan ng explanation at pinaimbestigahan si ACO Corres sa mga anomalyang nangyayari sa teritoryo niya.

Umaalingasaw na ang mga itinatago nilang baho o milagro ng partner in crime ‘este’ life niyang si Albert Corex ‘este’ Corres?!

Usap-usapan sa BI main office na bagyo si Albert Corres, sa mga opisyal at maging sa ilang hepe ng BI dahil tuta ‘este’ bata siya ni Fontana president Jackol ‘este Jack Lam.

Ikaw ba naman ang mag-sponsor ng free full accommodation sa Fontana resort kahit ilang beses ka pang magpabalik-balik doon ‘e di natural lang na maging bagyo ka sa sinoman na mapagbigyan sa Immigration!

Tama ba ang analysis ko, Mr. Danny Almeda?

Kaya huwag na kayong magtaka kung bakit gano’n na lang ang malasakit ng ibang opisyales ng Bureau sa mag-asawang Albert and ACO Janice Corres.

Ugali naman talaga ng Pilipino ‘yan, ang  tumanaw ng UTANG NA LOOB!!!

NAKA-RIGHT CONNECT SI COREX ‘este CORRES SA IMMIGRATION!?

Isa na nga raw sa nabiyayaan ng suwerte si Albert Corres na may ‘right connect’ sa mga kasalukuyang nakapwesto sa Immigration.

Sa sobrang angas daw ng kara, ayon sa ilang nakapagbulong sa atin, kahit kasagsagan daw ng tulog sa hatinggabi, ay kaya niyang mag-call-a-friend para i-request lang na i-recall ang 6 na exclusion orders para sa mga na-hold at na-A to A niyang mga tsekwang pasahero sa DMIA at NAIA o kahit sa ano mang airport sa Pilipinas?!

Siya lang din daw ang nakapagpo-process ng ano mang dokumento ng kanyang mga kliyente kahit walang accreditation permit galing sa Bureau?

Sonabagan!!!

Maliwanag na may violation ‘yan!

Kamakailan lang daw ay nakapag-process pa ng certificate of not the same person para sa 100 katao nang walang kahirap-hirap dahil ‘yung iba kinakailangan pang pumila at dumaan sa proseso, samantala ang kamote ‘yan ay nakikipag-chika-chika lang sa mga karantso niyang hepe sa opisina habang naghihintay na matapos ang kanyang mga transaksyon sa Immigration main ofice.

Aba kung ganyan din lang pala karami ang mga papel na tinatrabaho nitong si Albert Corex ‘este Corres sa Bureau, tatalunin niya sina Betty Chuwawa at Annie Si, ang dalawang notorious fixer sa BI.

Bakit hindi na lang i-require na kumuha ng accreditation permit para hindi naman unfair sa iba lalo na ‘yung mga accredited travel agencies na dumaan pa sa kung ano-anong seminars na ini-require ng BI.

With due respect to the three (3) honorable BI commissioners, masyado nang nakakaladkad ang pangalan ng Bureau dahil sa perks and privileges na mismong sa bibig lumalabas at ipinangangalandakan nitong si Albert Corres na ayon sa kanya ay ibinibigay niya sa ilang Immigration official sa Fontana resort.

At kung wala naman katotohanan ang ipinagyayabang niya ‘e bakit hindi paimbestigahan ang mga pinaggagagawa nina Corres?

Hindi ba nga, ang vision ng Bureau ay “Good guys in, Bad guys out,” so nasaan ‘yun?

I’m sorry pero hindi kasi natin nakikita ang vision na ‘yan sa mga nangyayari sa BI-Angeles field office!

ATTN: BATANGAS PNP PD PSSUPT. ROSAURO ACIO!

FULLBLAST operations na naman ang patupada, pasakla at color games sa Brgy. Sampaga sa bayan ng Balayan, Batangas. Kap. Mapalad at Mayor Fronda, nasa AOR n’yo po ang mga ilegal na pasugalan na ‘yan!

ATTN: LAGUNA PNP PD PSSUPT ROMULO SAPITULA!

SA LALAWIGAN naman ng Laguna sa bayan ng Liliw, Pangil, Southville Cabuyao, largado ang pergalan na ang capitalista ay sina Annie “Poste” Taba, Roa, Rodel at Mundo. PNP nganga at nakasahod lang ba!?

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Julia memorable shooting sa Japan

RATED Rni Rommel Gonzales SA bansang Japan kinunan ang kabuuan ng Hold Me Close na …

The Kingdom Piolo Pascual Vic Sotto

Vic kinarir pagda-drama, nakipagsagupa kina Piolo, Sue, Sid, at Cristine

MA at PAni Rommel Placente NAIMBITAHAN kami sa advance screening ng pelikulang The Kingdom na …

Rufa Mae Quinto Trevor Magallanes

Rufa Mae go-go-go pa rin kahit maraming problema

MA at PAni Rommel Placente MARAMI ang humanga sa pagiging positibo ni Rufa Mae Quinto …

122024 Hataw Frontpage

DSWD relief goods inire-repack  
MALABON SOLON, ASAWA, 1 PA INASUNTO SA OMBUDSMAN

HATAW News Team INIREKLAMO sa Office of the Ombudsman sa kasong Qualified Theft at paglabag …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *