Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Xian, may-I-bring ng alalay sa mall sa takot na pagkaguluhan

082914 Xian Lim

ni Alex Brosas

MASYADO na bang feeling itong si  Xian Lim?

Ang feeling ba niya ay superstar na siya at pagkakaguluhan sa mga luga rna pinupuntahan niya?

Mayroon kasi kaming nabasang reaction na nagsasabing nagpunta sa isang mall sa Makati ang hunky actor. Ang nakakaloka lang daw,  nagdala pa raw ito ng dalawang alalay for fear siguro na pagkakaguluhan siya ng mga fans.

Kaya lang hindi naman ito nangyari. Walang nagkagulo sa kanya, walang nagpa-autograph, walang nagpakuha ng picture.

Ang feeling namin ay okay lang naman na magdala ng alalay ang isang artista. Siyempre, protection din naman niya ‘yon sa fans. It’s nothing surprising. Marami nga riyan ay ilan-ilan ang alalay kapag rumarampa sa mall.

Pero ang feeling namin, hindi naman talaga sikat on his own si Xian. Actually, he’s just part of a love team. Si Kim Chiu ang nagdadala ng kanilang tambalan and it’s not the other way around. Kung wala si Kim, we think na hindi naman sisikat si Xian. Nakatsamba lang siya sa dalaga.

ASONG BIGAY NI DEREK KAY KRIS, IEENROL SA DOG SCHOOL

KALOKA itong is Kris Aquino. Kasi naman, noong una ay parang hindi niya masyadong feel si Prada, ang puppy na iniregalo ni Derek Ramsay sa kanya.

Lately kasi, nagkakalat ang doggy, kung saan-saan dumudumi at umiihi.

Pero later, na-feel na ni Kris na may magandang idinulot sa kanila si Prada lalao na sa kanyang anak na si  Bimby. Kasi, naging patience ang kanyang anak.

“Bimb was patiently trying to train Prada to learn to pee only in his potty tray & pet sheets…We bought him doggy diapers but he’s still too small for them & they fell off,”  caption  niya sa kanyang Instagram  account sa photo ni Bimby at ni Prada.

Since sosyal ang hitad, ipinangalandakan pa niyang ie-enrol niya sa isang school ang dog.

“We are now looking for a school for Prada,” sabi niya.

“It’s sweet to see that his arrival is teaching Bimb patience & responsibility,” dagdag pa ni Kris.

Actually, noong una ay naimbiyerna si Kris dahil umihi si Prada sa kanilang kama at binalak niyang isauli ito kay Derek.

“Last night, Prada was naughty again, he peed on our bed, you can see in this pic that our duvet is gone because they had to replace it. Saturday naman he peed on our living room sofa. I was scolding Prada & telling him if he doesn’t behave we’re giving him back to @ramsayderek11. Bimb gently reminded me, ‘Mama, we love Prada, he’s our baby. He deserves another chance. He’ll learn his lesson.’ Hence, this picture of Bimb & a cutie pie, well behaved Prada. And a 43 year old mother just gained so much wisdom from her 7 year old son. #lovedoesnotkeeptrackofwrongs #lovecangiveanotherchance,” say ni Kris.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …