Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Vina, mabigat ang papel na gagampanan sa Bonifacio

082914 Vina Morales

ni Ed de Leon
NABANGGIT na rin lang si Vina Morales, gagawa siyang muli ng pelikula na isasali sa Metro Manila Film Festival, na muli niyang makakatambal ang naging boyfriend din niya noong araw na si Robin Padilla. Pero wala raw problema iyon sabi ni Robin, dahil ang kanya mismong asawang si Mariel ang pumipili ng kanyang magiging leading ladies. Isa pa, simula naman noong nag-split sila ni Vina nagkanya-kanya na sila ng buhay.

Iyong pelikulang gagawin nila ay batay daw sa istorya ni Gat. Andres Bonifacio, at si Vina ang gaganap ng role ni Gregoria de Jesus, o Aling Oryang. Si Aling Oryang ay ikalawang asawa na ni Bonifacio, dahil ang unang asawa niya ay namatay naman agad sa sakit na ketong.

Si Aling Oryang ang tinatawag noong “Lakambini ng Katipunan” at siyang nag-iingat ng mga armas at mahahalagang dokumento ng kilusan. Mahalaga ang papel na gagampanan ni Vina. Ipakikita kaya nila sa pelikula noong pagtangkaan pang halayin ni Koronel Yntong o si Agapito Bonzon si Aling Oryang? Ipakikita kaya nila ang pataksil na paghuli kay Bonifacio sa Limbon ng mga sundalong Magdalo na pinangunahan nina Koronel Yntong at ng Intsik na si Heneral Pawa, at kung paano siyang pinatay ng mga Magdalo sa pamumuno ni Lazaro Makapagal na lolo ni Diosdado Macapagal at Gloria Macapagal Arroyo?

Kailangang gumawa sila ng matinding research sa buhay ni Bonifacio bago nila gawin ang pelikulang iyan, dahil maraming Filipino na ang nakaaalam ng totoo na hindi nasulat sa mga history book nina Zaide at Agoncillo, na ginawa sa ilalim ng mga Kano.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ed de Leon

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …