Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cake sa Makati ‘raket’ ni Nancy

082914_FRONT

”ALAM naman po ng lahat ng taga-Makati iyon. Si Senadora Nancy naman po talaga ang gumagawa noon … Noong araw nang hindi pa siya senador.”

Ito ang tahasang pahayag ng dating bise alkalde ng Makati City na si Ernesto Mercado patungkol sa supplier ng kontrobersyal na cake na ipinamimigay sa senior citizens ng lungsod tuwing kanilang kaarawan.

Sa pagdinig ng Blue Ribbon Committee ukol sa maanomalyang pagpapatayo ng Makati carpark building , natalakay din ang anomalya sa mga ipinamimigay na cake.

Sinabi ni Mercado na nagnenegosyo ng cake si Nancy sa Makati sa panahon na si VP Binay ay alkade ng lungsod, na ipinagbabawal sa batas.

Aniya, “Basta ako ho, alam ko talaga negosyo niya iyon. Actually, kinu-question ko nga ho iyon. Dahil ang sabi ko, ‘pati ba naman iyang cake, ang liit na bagay niyan. Puwede namang magnegosyo ng iba. Siguro hilig lang po ni  Senadora na mag-bake ng cake kaya talagang pinangatawanan na niya iyong paggawa ng cake na iyon at pagde-deliver.”

Bago ang hearing sa Senado, ilang beses nang itinanggi ng mga Binay ang kontrobersiyal na isyu ng cake para sa Makati senior citizens.

Dagdag pa ni Mercado, si Senador Nancy ang maaaring sumagot sa mga detalye kung ilang senior citizens ang pinapadalhan ng lungsod ng cake at kung magkano umaabot ito dahil ang budget para rito ay nagmumula mismo sa opisina ng alkalde kung saan siya ay dating technical assistant.

HATAW News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Atong Ang

5 baril ni Atong Ang, isinuko sa kapulisan

ISINUKO ng negosyanteng si Charlie “Atong” Ang ang limang baril sa mga awtoridad matapos bawiin …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …

Rolando Valeriano

Manila Rep. Rolando Valeriano Nagharap ng Cyberlibel Complaint vs. Cavite Rep. Barzaga Dahil sa Alegasyong ‘Bribery’ sa NUP

BILANG kasapi ng National Unity Party (NUP), naghain si Manila 2nd District Representative Rolando M. …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …