Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pinakamalaking mobile recycling program inilunsad ng Globe

INILUNSAD ng Globe Telecom ang pinakamalaking mobile recycling program sa Pilipinas upang lumikha ng kaalaman sa tamang disposal ng electronic waste (e-waste) upang maiwasan ang masamang epekto nito sa kalusugan at kapaligiran.

Tinawag na Project 1 Phone, umaasa ang Globe na susuportahan ang kampanya ng may 45 milyong subscribers sa buong bansa.

”Obsolete and discarded electronic and electrical devices which we call e-waste often end up

in landfills and incinerators, causing toxic metals to be released into the air and seep into the ground and waterways. In fact, studies show that one single cadmium battery has the potential to pollute up to 600,000 liters of water if not disposed off properly,” pahayag ni Yoly Crisanto, SVP, Globe Corporate Communications.

Idinagdag niya na tumutulong ang Globe na masolusyonan ang problema sa pamamagitan ng Project 1 Phone na nagpapalaganap sa tamang pagtatapon ng mga sirang mobile phones, tablets, chargers at baterya upang mapigilan ang peligrosong  epekto nito sa kalusugan at mabawasan ang greenhouse gas emissions.

Sa report ng United Nations Environment Programme na may pamagat na  ”Recycling – from E Waste to Resources,” pinangangambahang umakyat sa 500 percent ang  volume ng e-waste na itinatapon sa buong mundo sa susunod na dekada.

Samantala, iniulat naman ng DoSomething.Org na may 20 hanggang  50 million metric tons ng e-waste ang itinatapon sa buong mundo kada taon pero 12.5 percent lamang ang inire-recycle.

Ang ‘responsible recycling’ ang sinasabing pinaka-epektibong solusyon sa dumaraming problema sa e-waste. Karamihan sa electronic devices tulad ng lumang telepono ay pinagmumulan ng mahahalagang metals gaya ng  gold, silver, copper at palladium.

Para sa pagsisimula ng kampanya, ang Globe ay maglalagay ng recycle bins sa 21 Globe stores na nasa iba’t ibang bahagi ng bansa. (Para sa kompletong talaan, bumisita lamang sa Globe Telecom website http://www.globe.com.ph/globebridgecom).

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …