Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Sanggol utas, ina sugatan sa boga ni tatay

072814 gun

KORONADAL CITY – Binawian ng buhay ang isang sanggol na lalaki habang sugatan ang kanyang ina nang aksidenteng mabaril ng ama sa Sitio Mayada, Brgy. Libas, Tantangan, South Cotabato kamakalawa.

Kinilala ng Tantangan PNP ang biktimang namatay na si Carl Steven Cabel, isang taon gulang, tinamaan ng bala sa noo.

Habang sugatan din ang kanyang ina na si Jocelyn Anton, 27, tinamaan ng bala sa noo at dibdib.

Agad naaresto ang suspek na live-in partner ni Jocelyn na si Carl Stanley Tabuloy Cabel, 24, tribal chieftain sa nasabing barangay.

Nabatid sa imbestigasyon, nagkaroon ng alitan tungkol sa lupa ang suspek at ang mga kapatid ni Jocelyn na sina Oliver, Jonathan at Enin Anton.

Bunsod nito, naglabas ng homemade firearm ang suspek at itinutok sa magkakapatid.

Gayunman, sinikap itong agawin ng isa sa magkakapatid na nagresulta sa hindi inaasahang pagputok at tinamaan ang mga biktima.

(BETH JULIAN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …