IBINUHOS ng isang mayamang Canadian gent ang £540 (humigit-kumulang sa US$900) sa iisang cupcake—na sinasabing pinakamahal sa buong mundo—para ipagdiwang ang kaarawan ng kanyang misis.
Hindi rin ito higanteng cupcake kaya nagmahal. Cute at delicate kung ito ay ila-rawan ng mga nakasaksi, subalit binudburan ng edible na ginto at dinurog na mga perlas. Dangan nga lang ay hindi malaman kung paano magkakasya ang 40 kandila sa napakaliit na cupcake.
Ang chocolate buttercream nito ay gawa mula sa Jamaican brand Blue Mountain Coffee, na itinuturing na pinakamahusay sa buong mundo. Bukod dito sinamahan din ang cupcake ng sea salt mula sa Carmargue, France, orga-nic sugar cane, Valhrona Cocoa powder at Tahitian vanilla beans para sa kakaibang timpla.
Subalit ang tunay na ‘cherry-on-top’ ay ang pastry cream icing, na gawa mula sa Krug Collection Brut champagne, Rosewood Estate Honey at isang essence ng Tahitian vanilla beans. Ang isang botelya ng ganitong uri ng champagne ay umaabot sa £500 ang halaga sa United Kingdom.
Ang frosting naman ng cupcake ay inihanda mula sa Normandy butter na ginawa ng isang historic French butter cooperative at hinaluan ng 70 porsyento ng Italian-made chocolate na Amedei.
Ayon sa Canada-based custom sweetmaker na Le Dolci, na siyang lumikha ng mamahaling cupcake, nagbibigay ang Amedei chocolate ng ‘undertones ng honey, caramel, lavender, vanilla, banana at orange blossom.’
Sabi ng may-ari na si Lisa Sangue-dolce: “Nakaupo ang cupcake sa isang handmade na edible chocolate cup na binudburan ng dinurog na mga perlas at 24-karat gold flake.
Kinalap ni Tracy Cabrera