Friday , December 27 2024

Nalaglag na ngipin

00 Panaginip

Gud am Señor,

Npangnip q po last nite na malpi t na dw bu-magsak o maalis yung ipin q, d aq sure pro prang naalis na nga en bigla aq nagisng din. Ano kya messge na pnhhwatig nito s aqn? Pls wait q answer u senor, wag mo popost cp # q po,.. elsa of pampanga.. salamuch!!

To Elsa,

Ang ganitong panaginip ay kabilang sa tinatawag na most common dreams. Kasama nga rito ang tulad ng panaginip mo na nagbabagsakan o natatanggal na ang ngipin mo kahit kaunting masanggi o magalaw lang. Ang ganitong uri ng panaginip ay maituturing na hindi lamang horrifying at shocking, kundi, nag-iiwan din ito ng hindi maganda sa iyong alaala. Isa sa teorya ng ganitong uri ng bungang-tulog ay ukol sa iyong agam-agam hinggil sa iyong itsura at kung ano ang pananaw sa iyo ng iba. Ang mga ngipin ay may mahalagang papel na ginagampanan sa game of flirtation, ito man ay pagpapakita ng iyong pearly white teeth, kissing, o necking. Kaya maituturing na ang ganitong panaginip ay nagmumula sa fear of rejection, sexual impotence o ang consequences ng pagtanda. Ang ipin ay ginagamit din sa pagkagat, pagnguya at pagngatngat, kaya sa puntong ito, ang ngipin ay nagre-represent naman ng kapangyarihan o power. Kaya maaari rin namang ang panaginip ng pagkawala ng ngipin ay nagsasaad ng pakiramdam ng kawalan ng power o kapangyarihan. Maaaring nakakaramdam ka ng frustration kung hindi napapansin ng iba ang iyong boses o opinyon, o kaya naman ay dahil sa nahihirapan kang ipahayag ang iyong tunay na damdamin. Posible rin naman na nakakaramdam ka ng inferiority at ng kakulangan ng tiwala sa sarili sa ilang pagkakataon o pakikipagrelasyon sa iyong buhay. Traditionally, may ibang paniniwala rin o sitwasyon na kapag nanaginip na ikaw ay walang ngipin o nawalan ng ngipin, ito ay may kaugnayan sa malnutrition. Mayroon din namang scriptural interpretation ukol sa bad o falling teeth na nagsasaad na inilalagay mo ang iyong faith, trust, at beliefs sa iniisip o sasabihin ng mga tao, imbes na sa word of God. Ang Bibliya ay nagsasabi rin na ang Diyos ay nakikipagtalastasan sa atin sa pamamagitan ng panaginip o vision upang maitago ang pride mula sa atin, upang mailayo ang mga tao sa hukay, upang mabuksan ang ating mga tainga (spiritually), at upang magbigay babala at maitama ng landas ang mga tao.

Señor H.

About hataw tabloid

Check Also

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Krystall Herbal Oil

Pulikat sa lamig ng panahon pinapayapa ng Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

Joel Cruz P25-M 25th anniversay Aficionado 

Joel Cruz mamimigay ng P25-M sa 25th anniversay ng Aficionado 

MATABILni John Fontanilla MAMAMAHAGI ng P25-M ang tinaguriang Lord Of Scents na si Joel Cruz …

BingoPlus Chelsea Manalo Feat

BingoPlus welcomes Miss Universe Asia Chelsea Manalo home

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, has always been supportive of Chelsea …

BingPlus PANA feat

BingoPlus empowers brand partners before the year ends

BingoPlus, your comprehensive digital entertainment platform in the country, upheld the Christmas party of the …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *