Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Arron, ayaw nang gumanap bilang beki

082514 Arron villaflor

ni John Fontanilla

WILLING daw gampanan ng ABS-CBN star na si Arron Villaflor ang lahat ng roles na ibibigay sa kanya ‘wag lang ang isang bading.

Tsika ni Arron last Saturday, “Okey naman sa akin kahit anong role ang ibigay nila kasi trabaho ‘yan kaya dapat hindi tinatanggihan lalo na`t maganda ang role na ibibigay sa`yo at kakayanin mo.

“Basta as long as hindi gay role okey lang. Hindi naman sa ayaw ko siya, pero hangga`t maari iniiwasan ko kasi mas mahirap.

“At saka I’m done with gay role nasubukan ko na siya kaya okey na ‘yun. I did this movie ‘Mamarazzi’ with John Lapuz and Eugene Domingo, gay yung character ko roon, very challenging at na-challenge talaga ako noong ginawa ko ‘yun.

“Pero after that sabi ko ang hirap pala ha ha ha, that`s why sabi ko sa sarili ko no gay roles muna.

“Kaya naman I decided to let go the gay roles hayaan na lang natin sa iba na mas gusto nilang mag gay roles.

“Ayoko na talagang mag accept ng gay role kasi mahirap talaga. Like rito sa ‘Pure Love’ nice guy naman ako, mysterious guy na kakaiba sa nagawa ko na.

“Masasabi ko na matured Arron ang napapanood nila rito bilang si Ronald. ‘Yun ang maganda kasi iba naman ito sa mga nauna ko nang nagawa.

“Kaya nga thankful ako sa ABS-CBN, kasi hinahayaan nila akong bigyan ng iba-ibang role, hindi lang basta role, very challenging role.

“Napa-practice ko ‘yung acting skills ko doing different characters sa bawat proyektong ibinibigay nila sa akin.”

Mas gugustuhin pa raw ni Arron na magkontrabida sa mga proyektong ibibigay sa kanya.

“Bukod sa walang pressure kasi ‘pag kontrabida ka ‘pag ‘di kumita ‘yung pelikula o hindi nag-rate ‘yung show, sa bida isinisisi.

“Bukod sa mas challenging ang mag-kontrabida. Kaya para sa akin ibinibigay ko na ‘yung pagbibida sa iba at akin na lang ang pagkokontrabida,” pagtatapos ng aktor.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …