Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Atty. Persida Acosta, wala pang time mag-TV

081814 persida acosta
ni Cesar Pambid

MARAMI na ring nakaka-miss kay PAO Chief Persida Acosta sa telebisyon dahil mula nang matapos ang Public Atorni: Asunto o Areglo ng TV5, hindi na siya napanood muli.

May offer sa kanya na parang format ng Ipaglaban Mo pero hindi natuloy.

“Kasi busy nga ako,” say niya nang makatsikahan ng entertainment press sa kanyang office kamakailan. “Ang daming kaso na dumating tapos ang daming inasikaso. Tapos last year ko ngayon. Scholar ako ngayon sa Civil Service Commission sa UP. ’Pag naka-graduate na ako, magiging doctor na ako of social development.”

Abala rin siya sa pagtutok sa kaso ng Sulpicio Lines para sa M/V Princess of the Stars, na lumubog ilang taon na ang nakararaan pero hanggang ngayon, humihingi pa rin ng hustisya ang pamilya ng mga biktima.

Marami raw ang lumalapit at umiiyak sa kanya dahil sa kinahinatnan ng kasong ito. Kaya naman nag-file ang PAO ng motion for reconsideration para i-review ng Supreme Court ang desisyon nitong civil ang ipataw sa may-ari ng Sulpicio Lines sa halip na criminal case.

Dahil colorful din ang buhay ni Atty. Persida, marami sa press ang nagsabing pwedeng i-dramatize ang kanyang life story either sa TV or pelikula.

Sina Dawn Zulueta, Alice Dixson, at Bea Alonzo ang lumulutang na gusto ng press na gumanap sa karakter ni Atty. Persida.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …