Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Ejay Falcon, bilib kay Nash Aguas!

082514 Ejay Falcon nash aguas

ni Nonie V. Nicasio

MAGKASAMA sa pelikulang ma-aksiyon sina Ejay Falcon at Nash Aguas. Ang tentative title nito ay sa Ngalan ng Anak at tinatampukan din ni Phillip Salvador.

Ayon kay Ejay, noong unang inalok sa kanya ito ay tinanggihan niya dahil may anak na binatilyo siya rito. Subalit nang nalaman niya ang kabuuan ng proyekto, agad niya itong tinanggap.

“Actually, noong sinabi sa akin na may anak ako sa movie na ito ay medyo nagdalawang-isip ako noong una. Pero nang sinabi na si Phillip Salvador ang kasama namin dito, sabi ko kay Direk Toto (Nati-vidad), ‘Sige Direk, tara na, game na tayo, mag-shoot na tayo.’

“Kasi si Kuya Ipe, mataas talaga ang respeto ko sa kanya. Kasi, siya talaga iyong… hindi ba, action star talaga siya, e. Pa-ngalan pa lang niya ang laking bagay na e. Lagi niya akong tinuturuan sa acting at inaalala-yan niya talaga ako,” pahayag ni Ejay.

Si Nash ba ay may-K sumabak sa action? “Oo naman, oo naman. Para ilagay siya roon, siyempre… hindi lang ako ang nagsabi nito. Kasi, si Direk Toto talaga ang pumili kay Nash e. So, iyon na iyon talaga.

“Mahusay si Nash, mahusay ang batang iyon. Alam niya iyong mga continuity, alam niya iyong, ‘Direk hindi ba, ano ako rito, parang nabugbog ako? Hindi ba dapat, ang dami kong mga su-gat?’ Alam niya lahat iyon, ma-tagal na si Nash sa industriya kaya kahit bata pa siya ay magaling siya.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …