Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Palasyo nalusutan ng bebot na armado (PNoy gustong pababain sa pwesto)

082314_FRONT082314 malacanan gun
DINALA sa tangapan ng Manila Police District – General Assignment Section (MPD-GAS) si Flora Pineda matapos masakote sa Arias Gate ng Malacañang dahil sa dala niyang kalibre .45. Plano umano niyang pababain sa pwesto si PNoy dahil sa sobrang kahirapan na dinaranas ng mga kababayan. (BONG SON)

NAKALUSOT sa mahigpit na seguridad ng Malacañang ang isang babae na armado ng kalibre .45 na gustong pababain sa puwesto si Pangulong Benigno Aquino III.

Bitbit ang kal. 45, nakapasok hanggang Arias Gate ng Palasyo ang suspek na kinilalang si Flora Pineda, tubong Tuguegarao, Cagayan, ng 3A Herbs St., Zone 4, Barangay Signal, Taguig City, ngunit mabils na nadisarmahan ng isang kagawad ng Presidential Security Group (PSG) dakong 3:45 p.m. kahapon.

Bagama’t nagsisigaw si Pineda nang kunin ng mga sundalo ang kanyang baril at shoulder bag habang tumatangging sabihin ang kanyang pangalan, hindi naman siya umalma nang paupuin lang sa sentry gate ng PSG.

Wala rin siyang pagtutol nang halungkatin ang kanyang mga gamit hanggang pagkaguluhan ng mga mamamahayag ang nakompiska sa kanyang kal. 45 na may mga bala at barangay ID.

Nang usisain ng media, sinabi ni Pineda na ang baril ay ‘napulot’ lang niya sa isang restawran sa Triumph Bldg., sa FTI Compound sa Taguig City, na kanyang pinagtatrabahuan bilang kasambahay.

Wala umano siyang pakay na manakit at ang baril na dala ay ‘panakot’ lamang para pababain sa poder si Aquino dahil hindi na niya matiis ang nakikitang paghihirap na mga kapwa Pilipino.

“Huwag n’yo na ako tanungin ng kung ano-ano, kahit imbestigahan n’yo ako ay wala kayong makikitang record ko. Wala kayong pakialam kung sino ang amo ko,” sigaw ni Pineda.

Hindi tumutol si Pineda nang isakay ng mga sundalo sa mobile car ng Manila Police District para imbestigahan  sa estasyon ng pulisya.

(May dagdag na ulat ni John Bryan Ulanday)

ni Rose Novenario

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …