Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Style ng hosting ni Marian, laging pasigaw (Kaya napagkakamalang palengkera…)

072914 marian rivera
ni Alex Brosas

HALATANG acting na acting si Marian Rivera sa isang segment ng noontime show.

Naimbiyerna kasi ang hitad when she interviewed an old lady at nalaman niyang meron itong dawalang anak na walang trabaho. Lalo pa siyang nagalit nang malaman niyang naglalaba pa si manang para mabuhay lang ang dalawa niyang anak na walang work.

Nag-init ang ulo ni Marian, talagang sigaw siya nang sigaw sa dalawang anak na walang trabaho. Pero nagbago ang tono ni Marian at biglang nagbait-baitan nang malaman niyang nagtitinda ng balot sa gabi ang dalawang anak ng matanda. Aba, biglang naging sweet ang dalaga sa dalawang anak ng matanda, ha.

Ang daming bumatikos sa inasal ni Marian. Para raw itong palengkera na sigaw nang sigaw.

“MR dapat dika ng React ng Gnyan.dhL kht pa2ano hNd m0 cla pinapalamon pra mgalit ka sa knila…sapat na cgro kung pinag sabihan m0 cla ng mahinahon kaysa gnyan ginawa m0.wla tau karapatan pagalitan ng ibang tao.kung wla nmn cla ginawa satin ng masama. Yan Tuloy napag kamalan ka nanaman ng maldita,” say ng isang guy.

“SCRIPTED. Tama na ang PEKE,” tili naman ng isa ang fan.

“ibig sabihin niyan isang tatak laos na si marianing hehehehe palingkera ka tlga,” say naman  ng isa pa.

May kumampi naman kay Marian and said, “kayo mga aning….intnhdn nyo kci kung bkt ganun gnwa ni marian…may gulay.mga shunga!!!!!”

Napansin lang namin, bakit parang sigaw nang sigaw itong si Marian kapag nagho-host, parang laging may kaaway. Naiinitindihan namin na nakikisimpatya siya sa matanda pero sana ay nagpa-sweet na lang siya sa mga anak nitong walang trabaho. Sana ay idinaan na lang niya sa pa-sweet ang kanyang mga litanya, naging maganda pa sana ang dating niya. Eh, hindi ‘yon ang ginawa ni Marian kaya ang dating niya ay para siyang palengkera.

Hindi magandang tingnan na Primetime Queen ka pero sigaw ka ng sigaw sa show. Iniiba na nga ng manager mo ang image mo, pero wala talaga. ‘Yan ka na talaga.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …