MALUBHANG nasugatan ang isang vendor at tatlong bystander makaraan pagbabarilin ng dalawang lalaking lulan ng motorsiklo kahapon ng madaling-araw sa Pasay City.
Kinilala ang mga biktimang sina Saddam Cerera, vendor; Ricky Geraldino, 34, bus dispatcher; Aron Dominique Talban, 23, data analyst; at Fred Belogot, tricycle driver, pawang ng nasabing lungsod. Base sa ulat ng mga awtoridad, dakong 3:20 a.m. nang maganap ang insidente sa #441 EDSA Avenue, Zone 15, Brgy. 142 ng naturang lungsod. Nakikipaglaro si Cerera ng cara y cruz sa ilang lalaki habang naroroon din ang tatlo pang mga biktima. Sa puntong iyon, biglang dumating ang isang motorsiklong walang plaka at pinagbabaril ang mga biktima.
(JAJA GARCIA)
HATAW! D'yaryo ng Bayan hatawtabloid.com
