Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pagaanin ang pakiramdam

beautiful girl enjoying the summer sun

ITALA ang kahit isa sa 10 feel-good lists upang tumibay ang kalooban at gumanda ang pakiramdam.

MAY paraan upang maging matatag ang kalooban. Ito ay ang paglilista sa mga bagay na magpapagaan sa iyong pakiramdam.

Kaya simulan na ang pagtatala ng kahit isa sa 10 feel-good lists na ito upang tumibay ang kalooban at gumanda ang pakiramdam.

*Best gifts na iyong natanggap – Mararamdaman mo na ikaw ay pinahahalagahan at minamahal sa pamamagitan ng pag-alala kung paano ipinakita ng mga tao ang kanilang pagmamalasakit sa iyo.

*Best gifts na iyong ibinigay – Kung nakagagaan ng pakiramdam ang pagtanggap ng regalo, mas lalo na kung ikaw ang magbibigay. Gawin ang listahang ito kung ikaw ay naguguluhan o ramdam mong ikaw ay masaya at nais pang magbigay.

*Best mentors – Sa pag-aalala sa mga tao na nakaimpluwensya sa iyo, naging inspirasyon, nahikayat ka sa ilang mahalagang bagay, ay marami pang katulad nila ang darating na makatutulong sa iyo.

*Great accomplishment – Simulan sa iyong natamong pagkilala noong ikaw ay kindergarten pa lamang hanggang sa iyong kasalukuyang promosyon o higit pa rito. Kung ikaw ay mayroong malaking tungkulin at kailangan ng dagdag na kompyansa, ito ang listahang dapat mong gawin.

*Bagay na nais mong mabatid ng mga anak. Maaaring kabilang dito ang kasaysayan ng inyong pamilya, kung ano ang naramdaman mo nang sila ay isilang at ang kaugnay sa iba’t ibang stage ng kanilang buhay, gayundin ang mga ibinibigay mong payo sa iyong mga anak (mula sa iyong karanasan bilang asawa at magulang) habang ipinagpapatuloy nila ang kanilang paglalakbay sa buhay.

*Best moments. Kabilang sa listahang ito ang iyong kasal at ang araw na isinilang mo ang iyong mga anak, at maging ang mga maliliit na bagay na iyong pinahahalagahan. Ang iyong unang halik. Graduation. O kahit na sa unang pagkakataon na isinama ka ng iyong tatay o nanay sa panonood ng sine at pagpasyal sa parke.

*Aktibidad na nagpapalakas sa iyo. Kapag nagawa mo nang isulat ang mga bagay na nagiging inspirasyon mo sa buhay, maaari ka ring maglista ng kahit isa nito kada araw.

*Mga taong nagmamahal sa iyo.

*Mga taong minamahal mo.

*Mga paboritong bagay.

Anong klase ng listahan ang magpapagaan sa iyong pakiramdam ngayon? Simulan mo na ang paglilista, ngayon na.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …

PCSO MMDA Patient Transport Vehicles PTV

Patient Transport Vehicles (PTVs) inihandog ng PCSO  sa Metro Manila 17 LGUs

LAHAT ng 17 lokal na pamahalaan sa Metro Manila ay nakatanggap ng tig-isang Patient Transport …

Araneta City

Happenings in Araneta City (Dec. 3 to 10, 2025)

We are pleased to share with you the list of events and activities in Araneta …

Pizza Hut Ultimate Cheesy 8 Pizza

The Ultimate Cheesy 8 Pizza is Pizza Hut’s cheesiest creation yet
Made with 8 cheeses, this festive number is bound to be the centerpiece of any celebration

When it comes to the Filipino holiday spread, no other ingredient is as joyful and …

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST NorMin Recognizes Media Partners during CEST Program Media Conference

DOST Northern Mindanao gathered its valued media partners for the CEST Misamis Oriental Press Conference …