Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coco at Kim, humakot ng bagong awards

081914 coco kim award

ni Pete Ampoloquio, Jr.

Awards and numerous recognitions are unabatingly coming the way of the lead actors of the soap IKaw Lamang winsome Coco Martin and lovely Kim Chiu of late. Kamakailan, tumanggap sila ng mga bagong parangal mula sa 4th EdukCircle Awards na nagsusulong ng kahusa-yan sa komunikasyon sa Asia-Pacific Region. Matapos tanghaling Celebrity at Actress of the Year sa 2014 Yahoo! Celebrity Awards, kinilala ng EdukCircle si Kim bilang Most Influential Film Actress para sa pelikula niya sa Star Cinema na “Bride For Rent.” Nasungkit naman ng grand slam actor of the year na si Coco ang Best Television Drama Actor of the Year award para sa superhero teleserye niyang “Juan dela Cruz.”

Bukod sa EdukCircle, tumanggap din si Coco ng bagong parangal bilang Male Showbiz Icon of the Year mula sa entertainment blog na PhilippineEdition.com. Samantala, sa pagpapa-tuloy ng top-rating master teleserye ng ABS-CBN, tiyak na mas mapapakapit ang TV viewers sa kwento ng “Ikaw Lamang” ngayong pinagtagpo na ng tadhana ang mga landas nina Gabriel (Coco), Jacqueline (Kim), at Natalia (KC Concepcion). Paano magbabago ang buhay nina Gabriel, Jacqueline, at Natalia sa oras na matuklasan nila ang kwento ng nakaraan ng isa’t isa? Sa ilalim ng direksyon nina Direk Malu Sevilla, Manny Palo, at Avel Sunpongco, ang master teleseryeng “Ikaw Lamang” ay isa sa mga obra ng Dreamscape Entertainment Television. Huwag palampasin ang kapanapanabik na eksena sa master teleseryeng Ikaw Lamang, gabi-gabi, pagkatapos ng Hawak Kamay sa ABS-CBN Primetime Bida.

Send in those sizzling stories that you know about our fave showbiz personalities at [email protected] and #09994269588, #09276557791 and #09223870129 and read them here.

And with that, ito po ang kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity. Adios. Mabalos. I always need you, Nong!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …