Friday , January 23 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Foreign PR firm sampal kay Secretary Sonny kolokoy ‘este Coloma

00 Bulabugin jerry yap jsyMUKHANG nagising na sa katotohanan ang Malacañang na hindi epektibong hepe ng Presidential Communications Operations Office (PCOO) si Secretary Herminio “Sonny” Coloma, Jr.

Bago masolo ni Kolokoy este Coloma nang magbitiw si Secretary Ricky Carandang ng Presidential Communications Development and Strategic Planning Office (PCDSPO) ang PCOO, mainit ang balitang matindi ang banggaan at girian ng dalawa. ‘E mukhang hindi umubra si Carandang kay Kolokoy este Coloma.

Kumbaga, kompara kay Coloma ‘e sisiyap-siyap na sisiw lang si Carandang.

Pero mukhang hindi nakabuti kay Secretary Coloma ang pagbibitiw ni Carandang dahil nabisto ng Malacañang na hindi niya kayang hawakan ang communications operation ng tanggapan ng Pangulo.

Nagkasunod-sunod ang bulilyaso ng Palasyo mula sa trahedyang Yolanda, sa pork barrel at Disbursement Acceleration Program (DAP), at ngayon nga, ang sentimyento ng mga importer na nabalaho ang mga kargamento sa pier.

Sa lahat ng ‘yan, hindi man lamang nailayo ni Kolokoy este Coloma ang ‘sunog’ kundi tuluyan pang humina ang ‘depensa’ ng Palasyo.

Tinangka rin nilang gamiting kalasag ang ‘yellow fever’ pero hindi na kinagat ng publiko at mukhang sa ganoon lang nagwakas ang yellow magic ni Tita Cory.

Maging ang mga alagad ng sining na dating tila kumikinang na ginto ang popularidad sa pagsuporta kay PNoy ay nadamay sa humulas na magic at ngayon ay isa nang ‘kupas na dilawan.’

Kaya hindi na natin masisisi ang Palasyo kung kuhain nila ang serbisyo ng isang foreign public relation (PR) firm na dating nagsilbi noong administrasyon ni Erap Estrada sa Malacañang, upang matugunan ang bumabagsak na ratings ni Pangulong Benigno Aquino III.

Nagdepensa pa si Kolokoy este Coloma na wala raw siyang kinalaman sa pagkuha ng Malacañang sa serbisyo ni Paul Bograd, isang foreign pollster at strategist.

Sabi ni Koloyski, hindi kailangang kunin ang serbisyo ng ano mang PR firm dahil si Pangulong Aquino mismo ang pinakamahusay na PR man ng kanyang administrasyon sa mahusay na “performance” niya bilang Punong Ehekutibo ng bansa.

Hindi natin alam kung pinalalakas lang ni Secretary Coloma ang loob niya o talagang manhid lang siya …

Hindi mo ba nararamdaman Secretary Coloma na parang sinasabi sa iyo na magbalot-balot ka na?!

Aabangan namin ‘yan.

SR/SUPT. GILBERT CRUZ NG MPD EKSPERTO SA VENDORS HINDI SA PERHUWISYONG MGA KRIMINAL

MASIPAG daw pala si Manila Police District (MPD) chief of directorial staff (CDS), Senior Supt. Gilbert Cruz.

Masipag sa operation anti-vendors sa Divisoria. At bakit pirming sa Divisoria?!

At ‘yan po ang ipinagtataka natin, bakit sa vendor lang magaling si Kernel Gilbert ‘e sandamakmak ang patayan, holdapan, illegal gambling at illegal-drug trade sa Maynila ngayon?!

Obserbasyon nga ng mga lespu sa MPD, bakit pirming sa Divisoria ang operation anti-vendors ni Kernel Cruz?!

Ang mga vendor po ay naghahanapbuhay, ang mga holdaper at killer-tandem, illegal gambling at ilegal na droga ay perhuwisyo sa lipunan.

Maliban na lang kung totoo ang sapantaha ng ilang peace-loving citizen na ang killer-tandems ay alaga ng ilang de-armas na awtoridad at mga politiko?!

Kung ganyan ang duda ng ilan nating mga kababayan mas dapat na magpakitang-gilas kontra kriminalidad si Kernel Cruz para mapatunayan niya na ginagampanan niya ang kanyang tungkulin bilang public servant at protektor ng mga mamamayan.

At hindi ‘yung tipong dumedelihensiya lang.

Patunayan mo Kernel Gilbert Cruz na hindi ka lamang sa vendors magaling.

Hindi ba Sir?!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

PVL Premier Volleyball League

PVL All-Filipino magbubukas sa bagong format, mas balanseng labanan

Mga Laro sa Enero 31 (FilOil Centre) 4:00 n.h. – Galeries Tower vs Cignal 6:30 …

ASEAN PARA Games

Bejino, Gawilan, ginto agad sa 13th ASEAN Para Games

NAKHON RATCHASIMA – NIREGALUHAN ni Paralympian Gary Bejino ang anak nito na nagseselebra ng kaarawan …

World Surf League WSL

Nagsama-sama ang mga global wave riders sa WSL La Union International Pro

SAN JUAN, LA UNION — Halos 120 longboarder mula sa 24 na bansa ang dumagsa …

Rolando Valeriano Kiko Barzaga

Cong. “CRV” Valeriano nagsampa ng Cyber Liber case vs Cong. Kiko Barzaga

PORMAL na naghain ng cyber libel case si Manila 2nd District Representative Rolando Valeriano laban …