Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

2 suspek sa Bulacan rape-slay kinilala ng testigo

082014 crime calumpit bulacan

KINILALA ng isang testigo ang dalawang suspek sa gang rape at pagpatay sa 26-anyos na si Anria Espiritu sa Calumpit, Bulacan, sa inquest proceedings kamakalawa.

Positibong kinilala ng nasabing testigo ang mga suspek na sina Ramil de Arca at Melvin Ulam, nang ipresenta ang dalawa kasama ang jeepney driver na si Elmer Joson, sa fiscal’s office sa Malolos, Bulacan. Ang tatlo ay kinasuhan ng rape with homicide.

Ayon sa ulat, nakita ng testigo sina De Arca at Ulam, kasama ng biktima habang lulan ng jeepney na dumaan habang siya ay nakatayo sa gilid ng kalsada dakong 1 a.m. hanggang 2 a.m. noong Agosto 14.

Bagama’t wala aniyang poste ng ilaw sa lugar ay malinaw niyang nakita ang dalawang suspek at ang biktima.

“Maliban po sa ilaw sa sasakyan … Maliwanag po ‘yung ilaw sa loob.”

Gayonman, hindi niya ma-identify si Joson na inaresto ng mga pulis nang dumalo sa burol ng biktima nitong Lunes.

Pinagsuspetsahan si Joson na kabilang sa krimen nang makita ng pamilya Espiritu ang maraming kalmot at sugat sa kanyang katawan. Idiniin ni Joson na ito ay dahil sa pag-aaway nilang mag-asawa. (MICKA BAUTISTA/DAISY MEDINA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …