MAGBUBUKAS na ang bago at higit na malaking Snow World sa Star City sa Setyembre 5. Ipinagmamalaki ng bagong attraction ang pagkakaroon ng pinakamalaking “man made ice slide” na may habang 75 metro, at sinasabing siyang pinakamalaking man made ice slide sa buong mundo ngayon. Sa loob ng bago at higit na malaking Snow World, na isa na ngayong “double decker attraction” na may taas na 40 feet ay makikita ang malalaking ice sculptures na nagpapakita ng mga hayop mula sa north pole.
Bukod doon, makikita ang mga log cabins, na may mga fire place pa sa loob, mga bagay na dating nakikita lamang natin sa mga Christmas cards. Maaaring pumasok sa mga log houses at magpakuha ng pictures. Mararanasan natin sa bago at higit na malaking Snow World ang buhay sa mga polar countries, na parang winter sa buong taon.
Gamit ang pinakabagonh teknolohiya sa paggawa ng snow na inimbento ni Thomas Choong, ang Snow World ay may lamig na negative 18 celcius, tulad ng karaniwang nararamdaman sa mga polar countries kung panahon ng taglamig. Makikita rin sa loob ang pinakamataas na Christmas tree na nababalutan ng tunay na snow.
Talagang isang naiibang karanasan ang madarama ng mga dadalaw sa bago at higit na malaking Snow World sa panahong ito.
Ang bago at higit na malaking Snow World sa Star City ay bukas araw-araw, mula 4:00 ng hapon kung karaniwang araw, at mula 2:00 ng hapon kung weekends.