Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Joseph Marco, humahataw ang career!

080514 Joseph Marco

ni Nonie V. Nicasio

ISA si Joseph Marco sa mga Kapamilya star na humahataw nang husto ang showbiz career. Kaya naman nasabi ng 25 year old na actor na sobra-sobra ang saya niya ngayon.

“Sobra-sobrang saya. I couldn’t ask for more. Parang ngayon ko na-feel na kahit wala akong tulog ay masaya ako. Kasi dati nagrereklamo ka, kasi I’m a type of person who loves to sleep. Pero kahit wala akong tulog, dahil nga sa nangyayari sa career ko… Eto kasi talaga ang gusto ko e. So, I’m really happy,” saad ni Joseph.

Isa si Joseph sa lead stars ng pelikulang Talk Back and You’re Dead ng Viva at Skylight Films. Tampok dito sina James Reid, Nadine Lustre, at Yassi Pressman. Ito’y mula sa direksiyon ni Direk Andoy Ranay.

Ano ang masasabi niya sa kanyang co-stars dito?

“Sina James, Nadine at Yassi, sobrang nakakatuwa sila, kasi very passionate din sila sa mga ginagawa nila. Parang, it’s always good to work with people na, alam mo iyon, pare-parehas kayo ng passion?

“Ang pangit naman kasi kung may ginagawa kayong project, tapos yung isa ay hindi nagseseryoso. But sa cast nitong Talk Back and You’re Dead, talagang sobra ang cooperation. Talagang nandoon iyong unity, e.”

Ikinokompara ngayon ang Jadine sa Kathniel, sa tingin mo ba ay may-K na silang i-compare sa Teen King and Teen Queen ng Dos?

“Oo naman po, kasi, marami na rin fans sina James at Nadine. And sabi nga nila na its’ always good to be compared. So, may K naman po.”

Bukod sa Talk Back and You’re Dead, napapanood din si Joseph sa top rating ser-ye ng ABS CBN na Pure Love kasama sina Alex Gonzaga at Yen Santos.

Ano ang masasabi ni Joseph sa mainit na pagtanggap sa kanila ng viewers?

“Grabe, parang lahat kami ay hindi makapaniwala. Kasi, da-pat ay panghapon lang talaga kami. So, nang nakita ng ma-nagement ay inilipat kami sa primetime.

“Doon pa lang ay thankful na kami e, tapos nang nalaman namin na nagre-rate pa ng ganoon. Sobrang grabe, e, kaya sobrang thankful talaga kami.”

SMOKEY MANALOTO, EXCITED MAGING TATAY NI KIM CHIU

AMINADO si Smokey Manaloto na excited siyang maging tatay ni Kim Chiu sa top rating seryeng Ikaw Lamang ng Kapamilya Network.

Nang nakapanayam namin ang versatile na actor, nasabi niyang hindi pa sila nagkaka-eksena ni Kim, pero excited na raw siyang makatrabaho ang young star.

“Wala pa kaming eksena, bukas pa lang kukunan ang mga eksena namin. Pero very exci-ted ako dahil sabi nila magaan daw siya katrabaho, masayahing tao, magaling na artista… Kaya I’m really looking forward na maging ama niya rito sa Ikaw Lamang.”

Mas nakakaguwapo ba ‘yun, na tatay ka ni Kim dito? “Ay oo naman, isipin mo naman tatay ako ni Kim Chiu, laking guwapo points niyon!” Nakatawang saad ni Smokey.

Sa bagong kabanata ng Ikaw Lamang ay nanatili pa rin dito sina Kim at Coco Martin mula sa original cast, ngunit bilang mga anak na ng kanilang dating characters ang gagampanan nila. Si Kim ay gaganap bilang Andrea, samantala si Coco ay gaganap bilang Gabriel. Si KC Concepcion naman si Natalia, isa sa mga anak nina Isabelle (Kim Chiu) at Franco (Jake Cuenca).

Sina Smokey at Arlene Muhlach naman ang gaganap na mga magulang ni Kim sa naturang teleserye na hatid ng Dreamscape Entertainment Television.

Ang iba pang casts ng ikaw Lamang ay sina Christopher de Leon, Amy Austria, Joel Torre, Rio Locsin, Nonie Buencamino, Mylene Dizon, at iba pa. Ito’y mula sa pamamahala nina Direk Malu Sevilla, Manny Palo, at Avel Sunpongco.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …