Follower mo ako sa Facebook page mo. I am a married person. Ask ko lang bakit minsan kapag magpapaalam ako lalabas o gigimik kasama mga kaibi-gan ko madalas nagagalit si Misis. Ayaw niya ako pa-yagan. Doon nag-start na nagtatalo kami. Tapos minsan pag pauwi ako galing work. Ang lagi niyang text sakin ay “diretso uwi ah!”
Madalas pag hindi ako nakakapag-reply sa text niya madalas tinatadtad niya ako sa text until magtalo na kami sa text. Aminado naman ako na may nagawa akong hindi maganda dati. Pero hindi ko na ‘yun s’yempre uulitin. Please help me. Thank you.
EDMAR
Dear Edmar,
Mahirap talaga maibalik ang tiwala kapag ito ay nasira dahil kasama ritong nababawasan o nawawala ang security, safety, res-pect, love at friendship. Ang pumapalit dito ay galit, inggit, pagkapraning, takot at kon-ting bagay kahit maliit ay magiging dahilan na ng away ninyo.
Pero narito ang ilang paraan para maibalik mo muli ang tiwala sa’yo ni Misis:
1. Huwag ka na muling magsisinungaling sa kanya, may sugat pa ‘yan kaya ‘wag mo nang dagdagan pa ang sugat.
2. Kapag sinabi mong uuwi ka ng ganitong oras o tatawag ka ng ganitong oras siguraduhin mong tatawag at uuwi ka talaga ng ganung oras. Siguraduhin mong open ka pagdating sa schedule mo sa kanya para makabawas ito sa pagdududa niya.
3. Iparamdam mo sa kanya na siya ang priority mo at binibigyan mo ng importansya kaya sana kung pwede mong bawas-bawasan muna ang paglabas kasama ng mga kaibigan, bakit hindi ka mag-set ng date ninyo ni Misis? Mas matutuwa pa siya rito.
Ang bad news, hindi mo masasabi kung kelan maghihilom ang sugat na nasa puso ni Misis dahil sa nangyari sa inyo, kaya paminsan-minsan ay hindi niya ‘yan maiiwasan na maibuhos sa’yo ang nararamdaman niyang sakit. Pero ang good news ay maibabalik mo pa muli ang tiwala niya, basta siguraduhin mo lang na hinding-hindi ka na ulit gagawa ng anumang makasisirang muli sa inyong relasyon.
Good Luck!
Love,
Francine
Try Me! Sa mga problema ninyo sa Love, Pamilya, Sex at Relasyon nandito ako handang sagutin base sa aking sariling opinyon, paniniwala at naresearch. Nasa sa inyo pa din kung ano ang susundin ninyo, ako ay option lamang. You can email me [email protected]