Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

KC, kayang maging bida-kontrabida

081414 kc concepcion
ni Dominic Rea

SORPRESA para sa amin ang kakaibang ganda ngayon ni KC Concepcion nang dumating ito sa book 2 launching ng pinag-uusapang seryeng Ikaw Lamang ng Dreamscape at ABS-CBN!

Mula sa kanyang mga natanggap na parangal bilang PMPC Star Awards for Television’s Best Supporting Actress at Famas Best Actress ay taglay na nga ni KC ang pagiging isang sikat na karakter/kontrabidang aktres.

Isang titulong ayon kay KC ay mas gugustuhin niyang makilala siya bilang isang artista. Inamin nitong challenging para sa kanya ang pagganap sa mga ganoong tipo ng roles sa pelikula at telebisyon.

Sinabi nitong very thankful siya sa patuloy na pagtitiwala sa kanya ng Kapamilya Network lalo na ng Dreamscape.

During the said presscon ay nagsalita na rin ang sikat na aktres sa mga isyung kaya siya nagpuntang ibang bansa ay dahil nagtampo ito sa Dreamscape dahil hindi siya natuloy na gumanap bilang si Dyesebel na napunta kay Anne Curtis. Sinabayan pa ito ng isyung buntis daw ito at sa abroad nagpa-abort!

“Hindi naman po totoo eh! Eversince naman po ay bukas naman po sa lahat ang buhay ko. Wala naman akong itinago. Naloka lang ako noong maglabasan ang ganyang isyu.

“Hindi naman po ako apektado, but when the family reacts na, siguro, iba na ‘yun eh. But sabi ko nga, it’s not true and it’s a part of being in this business,” bulalas pa nito sa amin.

Kahit sa social media ay pinag-uusapan na rin ang kanyang karakter bilang si Natalia sa Ikaw Lamang huh!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …