Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kim Rodriguez, itinangging BF na ang anak ni Gary Estrada!

081814 kim rodriguez

ni JOHN FONTANILLA

ZERO raw ang lovelife ng maganda at mabait na young star ng GMA 7 na si Kim Rodriguez at mas naka-focus daw ito sa kanyang trabaho.

Alam naman ng Mario D’ Boro image model na si Kim na sa pagtatambal nila ni Kiko ay mas lalakas ang balitang boyfriend na ang binata.

‘“Yun nga ‘yung iniisip ko, kasi alam naman naming may tsismis na kami na, pero ang totoo ay close lang talaga kami sa isa`t isa at magkakabarkada kasama si Teejay Marquez.

“Tatlo kasi kaming very close talaga, siguro ‘yung sweetness namin bilang magkaibigan nabibigyan ng malisya.

“Sanay na naman kami matsismis na kami ha ha ha, kaya okey lang. Lalo na ngayon na magkasama kami sa soap kaya expected na namin na mas matsistismis pa kami ha ha ha.”

Hindi na nga lang daw nila pinapansin o pinapatulan ang mga tsisimis na dumarating sa kanila. “Deadma lang kami kasi ‘pag pinatulan mo mas lalala pa mas lalaki lang, at saka hindi naman kami papayag na maapektuhan ‘yung friendship namin ng dahil lang sa tsismis.”

Papano nga raw sila magkakaroon ng malalim na relasyon hindi naman daw nanliligaw sa kanya si Kiko. “Nanliligaw ba sa akin si Kiko? Parang hindi naman, siguro sobrang close lang kami.

“Siguro mas magandang siya na lang ang tanungin niyo if may balak ba siyang manligaw sa akin ha ha ha, kasi ‘pag magkakasama naman kami wala akong maramdamang gusto niya manligaw, kumbaga barkada lang talaga nag-eenjoy lang kami sa company ng isa`t isa.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …