Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tatlong babaeng naugnay kay Matteo Guidicelli may kanya-kanyang katangian

081814 jessy sarah maja
ni Peter Ledesma

SA big presscon ng Regal Entertainment para sa belated birthday offering ni Mother Lily Monteverde na “Somebody To Love,” bukod sa kanyang kissing scene kay Isabelle Daza ay natanong si Matteo Guidicelli sa tatlong babaeng naiugnay sa kanya na sina Maja Salvador, Jessy Mendiola at kasalukuyang girlfriend na si Sarah Geronimo.

Para sa hunk actor ay may kanya-kanyang katangian ang tatlo, on Maja Salvador – “very, very nice. Very pretty. Good person. I’ve learned a lot from her and no regrets. Maja made me mature. Maraming bagay na I learned from her. I’m very thankful to her.”

On Jessy Mendiola – “Partner ko sa Paraiso. She’s a cool girl. I’m very happy for her dahil nahanap na niya ‘yung daddy niya. Nagkita na sila. I think Jessy is very happy with her lovelife now yata. Parang masaya siya ngayon.”

At para naman sa kanyang special girl na si Sarah ay narito ang tugon ni Matteo. “What can I say? My dream come true, ‘di ba? Happiness close to perfection.”

Yes, hindi talaga maitago ang pagiging in love ngayon ng actor kay Sarah na itinuturing niyang somebody to love. Although hindi pa raw ganoon ka-strong ang foundation ng relationship ng dalawa pero pinagsisikapan nilang pareho na mapunta sila sa ganoong estado. Samantala very thankful, pala si Matteo kay Mother Lily at isinama siya saSomebody To Love na ang pelikula ay tumatalakay sa siyam na karakater ng iba’t iba nilang love story. Kasama ng actor sa pelikula sina Carla Abellana, Iza Calzado, Jason Abalos, Maricar Reyes, Isabelle Daza. Ella Reyes, Albie Casino at Kiray Celis. Si direk Joey Javier Reyes ang sumulat at nag-direk nito. Mapapanood na ang Somebody To Love ngayong Miyerkoles, Agosto 20 at palabas ito sa maraming sinehan nationwide.

Hala sugod na sa inyong favorite theaters gyud!

COCO AT KC MALAKAS ANG DATING NG TEAM-UP SA IKAW LAMANG 2

Hindi mo na talaga pwedeng tawaran ang pagiging actress ni KC Concepcion na lutang-lutang ang husay at galing sa mga eksena nila ni Coco Martin sa Ikaw Lamang Book 2. Unang araw pa lang nang parehong magtagpo ang character nila bilang si Gabriel (Coco) at Natalia (KC) ay matindi na ang mga eksenang ginawa ng dalawa. Nakasuot pangkasal si KC at iniligtas siya ni Gabriel sa lalaking pakakasalan sana. Pero drama lang ang lahat dahil si Gabriel din ang lahat ng may pakana para ‘di matuloy ang kasal. Paghihiganti kay Franco (Christoper de Leon) na senador na ngayon at kay Natalia ang pakay ni Gabriel kaya gagawin niya ang lahat para mahulog ang loob ni Natalia sa kanya.

Samantala ipinakita na rin ang character ni Kim Chiu bilang si Andrea. Ibang atake naman ang ginawa ni Kim sa kanyang role at bagay na bagay siya sa mga kikay na eksena rito kung saan nagda-drive pa siya ng motor. Sina Arlene Muhlach at Smokey Manaloto ang nag-aruga kay Kim samantala si Gabriel ay lumaki naman sa piling nina Calixto (Noni Buencamino) at Rio Locsin. Lumabas na rin si Joel Torre bilang si Samuel at asahan na isa sa mga parating na episode ay lalabas na rin ang character ni Amy Austria bilang old Isabel. Mapapanood ang Ikaw Lamang 2 pagkatapos ng Hawak Kamay sa Primetime Bida ng Kapamilya network.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …