Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pusong Walang Pintig ng Pagibig (Part 2)

00 puso rey

BUMILIB SI YURI KAY JIMMY JOHN AT MINITHI NIYANG MAKILALA NANG PERSONAL

“Ang galing niya bilang isang pianist ay pwedeng maikompara kina Wolfgang Amadeus Mozart at Ludwig Van Beethoven,” sabi naman ng isang bantog na musician.

“Wala siyang katulad… Napakaganda na ng timbre ng boses ay napakahusay pang tumugtog ng piano,” ayon sa bantog na English song writer-composer na dumayo pa ng bansa para mapanood ang concert ni Jimmy John nang gabing iyon.

“OMG! Sa lamig at lambing ng boses ni Jimmy John ay para akong ipinaghele sa pakikinig ng pag-awit niya,” banggit naman ng baklitang make-up artist ng mga local talent sa idinaos na concert.

“Kaya pala tulo-laway mo habang naghihilik sa concert…” banat ng stage director sa make-up artist.

Nagkatawanan ang mga grupo na nagkaroon ng kanya-kanyang partisipasyon sa idinaos na konsiyerto. Natawa rin si Yuri. Pero ang isip niya nang mga sandaling iyon ay na kay Jimmy John. Parang isang hiling, naibulong niya sa sa-rili: “Personal ko sana siyang makadaupang-pa-lad.”

May nakaiskedyul na pakikipagkita si Yuri sa boyfriend niyang si Arman noong sumunod na gabi. Alas otso ang kanilang usapan. Pero alas-otso pasado na ng gabi ay nagbibiyahe pa lamang siyang patungo sa kanilang tagpuan. Tulad nang dati, atrasado na naman ang dating niya sa itinakda nilang lugar. At tulad din noong nakaraan nilang mga pagde-date ay mayroon siyang isang libo at isang alibi. Na lagi namang tinatanggap ng binatang karelasyon niya.

“Ang mahalaga’y dumating ka… At masaya na ako ngayon,” aniyang gumagap sa kanyang kamay.

“Babawi ako next time…” ngiti niya sabay sa paghalik sa pisngi ng binatang katipan.

Ni katiting na hinanakit ay wala siyang mabakas kay Arman. Lagi naman talaga siyang inuunawa at pinagpapasensiyahan sa nagagawang mga pagkukulang. Umiibig kasi sa kanya nang tapat at wagas. Noon pa man … Noong kaibigan pa lamang ang turingan nila sa isa’t isa ng binatang kababata niya.

Laki sila sa probinsiya ni Arman. Sa panahon ng kanilang kamusmusan ay lagi na silang magkasama.

(Itutuloy

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …

Krystall Herbal Oil, Krystall Nature Herbs

Bukod sa wastong pagkain
KRYSTALL HERBAL OIL AT KRYSTALL NATURE HERBS NAKATUTULONG SA BALANSENG INIT AT LAMIG SA KATAWAN

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,         Magandang araw …

Krystall Herbal Oil 500ml FGO

YES!
FGO Krystall Herbal Oil 500 ml promo extended hanggang Chinese New Year

MAGANDANG ARAW po sa mga suki at solid users ng Krystall Herbal Oil. Gaya ng …