Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Coed biktima ng rape-slay

081714 crime scene yellow tape
IPINAPALAGAY ng pulisya na biktima ng gang rape ang isang babae na natagpuang wala nang buhay na naka-lugmok sa matubig at maputik na palayan sa Calumpit, Bulacan, iniulat kahapon.

Sa rekord ng Calumpit PNP, bandang 5:00 a.m. nang matagpuan ng ilang dumaraang residente ng Barangay Pungo, Calumpit, ang bangkay ng hindi nakikilalang babae na nasa pagitan ng edad 20 hanggang 25, nakasuot ng palda pero walang panty, maputi at balingkinitan ang katawan.

Tadtad ng mga saksak ng screw driver ang buong katawan ng biktima nang matagpoan habang may marka ng sakal sa leeg.

Walang anomang nakitang maaaring mapagkilanlan sa biktima pero may teorya ang mga awtoridad na tatlo pataas ang responsable sa krimen.

Nakuha ng pulisya sa crime scene ang screw driver at kadena ng motorsiklo na piananiniwalang ginamit sa pagpaslang.

Agad isinailalim sa pagsusuri ng Medico Legal ang bangkay ng biktima habang  iniimbestigahan ng pulisya.

(DAISY MEDINA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …