Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Dalaga ninakawan na ginahasa pa

BUKOD sa pagnanakaw, ginahasa ng isa sa dalawang suspek ang dalagang may-ari ng apartment na kanilang pinasok sa San Rafael, Bulacan, kamakalawa.

Sa ulat na ipinarating sa Bulacan Provincial Police Office, bandang 11:30 p.m. nang pasukin ng dalawang hindi nakikilalang lalaki ang apartment ng biktimang itinago sa pangalang Momay, 25, ng Altavida Subd., San Roque, San Rafael, Bulacan.

Mahimbing na natutulog ang biktima nang limasin ng mga suspek ang dalawang laptop, dalawang cellphone unit, apat na tseke ng RCBC bank, at ibang mamahaling accessories.

Napag-alaman sa pulisya, isa sa mga suspek ang nang-reyp sa biktima bago tumakas gamit ang blue gray Honda Civic (RFV-147) ng biktima.

Ayon sa biktima, nagising siya, nakatutok na ang patalim sa kanyang tagiliran kaya wala na siyang nagawa hanggang gahasain.

Masusing imbestigasyon ang isinasagawa ng mga awtoridad kaugnay sa kaso upang makilala at maaresto ang mga suspek.

(RAUL SUSCANO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …