Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

500 katao inilibing nang buhay sa Iraq

081514 iraq isis

PINAGPAPASLANG ng mga Islamic State militant ang hindi bababa sa 500 miyembro ng Yazidi ethnic minority sa Iraq sa kasagsagan ng kanilang opensiba sa hilagang bahagi ng bansa, ayon sa human rights minister ng pamahalaang Iraqi na si Mohammed Shia al-Sudani.

Batay din sa report ni Sudani, inilibing nang buhay ng mga Sunni militant ang ilan sa kanilang mga biktima, na kabilang din ang kababaihan at kabataan bukod sa pagdukot sa may 300 babae na ginawang mga alipin.

“Mayroon kaming mga ebidensya mula sa mga Yazidi na lumikas mula sa Sinjar at ilan sa mga nakatakas, at maging mga crime scene image na nagpapakitang ilan sa mga gang na Islamic States ay kanilang in-execute matapos maagaw ang Sinjar,” ani Sudani sa telephone interview.

Sinaunang tahanan ng mga Yazidi, ang Sinjar ay isa sa mga bayang nakubkob ng mga

Sunni militant na tumatanaw sa komunidad na mga ‘sumasamba sa demonyo’ at sinasabihang magpa-convert sa Islam o humarap sa kamatayan.

Lumipas ang ibinigay na deadline para sa 300 pamilya ng mga Yazidi na mag-convert sa Islam kaya tinuloy ang pagpatay bsa kanila.

“Ang ilan sa mga biktima, kabilang ang mga babae at kabataan, ang inilibing nang buhay sa nakakalat na mga libingan sa paligid ng Sinjar,” ani Sudani.

Ang pagkakatatag ng sinasabing Islamic State, na nagdeklara ng caliphate sa mga bahagi ng Iraq at Syria, ay nagbunsod ng paglikas ng libo-libong Yazidis at Kristiyano sa gitna ng pagsalakay ng mga militante sa kabisera ng Kurdish region na Arbil.

Kinalap ni Tracy Cabrera

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

Nasugbu, Batangas –  SM Foundation in collaboration with Costa Del Hamilo, Inc. and the barangay …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …