Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Kumusta Ka Ligaya (Ika-19 labas)

00 ligaya

HAGULHOL NG IYAK ANG NAGING SAGOT NI LIGAYA SA WAGAS NA PAG-IBIG NI DONDON SA KANYA …

“Na ano… Na mahal ka pa rin niya…” ang pambubuking nito sa totoong damdamin ng kanyang dating GF.

Kinurot ni Ligaya ang tagiliran ni Nikki na biglang tayo sa pagkakaupo at saka nagtawa nang nagtawa. Hanggang makapasok sa loob ng sariling silid ay humahalakhak pa rin nang todo.

“Sira-ulo ang babaing ‘yun, e, baka paniwalaan mo,” pagkontra ni Ligaya sa ipinagtapat ng kaibigan niya kay Dondon.

“Bakit hindi? E, sira-ulo din naman ako…” aniyang hindi nag-aalis ng pani-ngin kay Ligaya.

Biglang sumungaw ang mukha ni Nikki sa hamba ng pintuan. “Love is lovelier tha second time around,” ang malakas na sigaw na ipinatungkol kay Ligaya. At pagkaraan niyon ay nagkulong na sa loob ng kuwarto.

“Gagi!” ang ganting-sigaw ni Ligaya kay Nikki.

Pero napansin ni Dondon na may namumuo nang luha sa mga mata ng dating nobya. Niyakap niya ito nang buong higpit. “Mahal kita… Mahal na mahal pa rn kita” ang ibinulong niya. Lalo namang yumugyog ang mga balikat nito sa pagta-ngis. “Mahal mo pa rin naman ako, ‘di ba?” ang idinugtong niya.

Napalakas ang iyak ni Ligaya.

“H-hindi na ako karapat-dapat sa iyo… H-hindi mo ako maipagmamalaki…” anang babae sa pagtutungo ng ulo.

Iniangat ni Dondon ang mukha ni Ligaya. “Ikaw ang nagbigay ng kahulugan sa buhay ko… Kailangan kita, ‘Gaya!” aniya sa paglapat ng mga labi sa bibig ng babaing unang tibok ng kanyang puso.

At sa paghihinang ng kanilang mga labi ni Ligaya ay buong higpit na rin nakipag-yakapan sa kanya.

Pinunan ni Dondon ng panibagong tamis at sigla ang mga araw na nawala sa kanila ni Ligaya. Pinaglaanan niya ng panahon. Namasyal nang namasyal sila sa mga tourist spot sa iba’t ibang panig ng bansa.

(Itutuloy)

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

Nasugbu, Batangas –  SM Foundation in collaboration with Costa Del Hamilo, Inc. and the barangay …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …