Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Boyet, iginiit na ‘di Big C ang sakit ng anak

081514 Christopher de Leon

00 SHOWBIZ ms mHINDI man sabihin, ramdam naming apektado si Christopher de Leon sa kasalukuyang nangyayari sa kanyang anak na si Miguel. Subalit ang pananalig niya sa Maykapal ay hindi nababawasan at naniniwala siyang gagaling ito mula sa sakit na testicular cancer.

“The thing is you have to realize that in a situation like this, it’s always in God’s time,” ani Boyet

Paliwanag pa ni Boyet, ipinanganak si Miguel na may “testicular germ cell tumor” at inoperahan na ito noong limang taong gulang pa lamang.

“I don’t want to call it cancer because Big C for me, the big C is Christ. He had an operation when he was five years old pa lang, tapos nag-metastasize siya, papuntang lungs. We saw the x-ray at napunta sa lungs and that’s what they are trying right now to eradicate. He underwent chemotherapy for five days then they have to stop. And what they need now is CT scan,” anang aktor na gaganap bilang si Franco.

Naka-confine pa hanggang ngayon si Miguel sa intensive care unit sa California Pacific Medical Center sa United States at ito sumasailalim sa chemotherapy. “It’s curable and God is at the helm. In God’s time, everything will be okey,” giit pa ni Boyet.

Nagpapasalamat naman si Boyet na marami ang nagdasaral para sa mabilis na paggaling ng kanyang anak.

Samantala, sobra-sobra naman ang paghanga ni Boyet sa pagkakaganap ni Jake Cuenca bilang Franco sa Ikaw Lamang. Aniya, hindi niya alam kung saan humuhugot si Jake dahil napakagaling nito.

“He’s a great guy, ang galing niya. And hindi ko alam kung paano ko gagawin ‘yung character niya.”

Ikinatuwa ni Boyet ang pagkakasama niya sa Ikaw Lamang dahil “sinubaybayan ko rin naman ito.

“Actually, I love to watch this one, then ‘The Legal Wife’. I never thought after ‘The Legal Wife’, I’ll be part of this show (Ikaw Lamang).”

Kaya huwag kalilimutang tumutok sa Ikaw Lamang gabi-gabi dahil kung mas na-excite kayo noong una, mas lalong hindi ninyo bibitawan ang iyong mga telebisyon para mapanood lamang ang mga kaganapan sa master seryeng ito ng Dreamscape Entertainment.

ni Maricris Valdez Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila spotted sa El Nido, Palawan

MUKHANG hindi na itinatago nina Daniel Padilla at Kaila Estrada ang kanilang relasyon. Spotted ang rumored celebrity couple sa …

Boobay Basudani Festival Bansud

Boobay nag-collapse muli sa stage habang nagso-show

NAG-COLLAPSE at nawalan muli ng malay si Boobay habang nagpe-perform sa Basudani Festival sa Bansud, Oriental Mindoro noong Lunes, …

Willie Revillame Sugar Mercado

Willie inamin 7 taong relasyon kay Sugar: hindi talaga kami para sa isa’t isa

ni Allan Sancon DIRETSO at walang iniwasang tanong si Willie Revillame nang humarap sa press kamakailan, lalo …

Alden Richards

Alden malabong magkadyowa  

MATABILni John Fontanilla MUKHANG mapupurnada ang wish ng Kapuso artist na si Alden Richards na magkaroon ng …

Vhong Navarro Darren Espanto Vice Ganda

Vice Ganda hulicam naghuhubad sa video nina Darren at Vhong

ni Allan Sancon TRENDING ngayon sa social media ang viral video nina Vhong Navarro at Darren Espanto habang nagsasayaw, …