IIMBESTIGAHAN din ang Senado ang naganap na aksidente ng MRT sa EDSA-Taft station sa lungsod ng Pasay kamakalawa na ikinasugat ng halos 50 katao.
Ayon kay Sen. Koko Pimentel, nakatakda siyang maghain ng resolusyong naglalayong magsagawa nang sariling pagdinig ang kapulungan hingil sa madalas na pagkaaberya ng tren ng MRT.
Nais alamin ng senador ang mga dahilan ng aberya at kung paano ipinatutupad ang maintenance contract ng MRT 3.
“Why is this happening? What must be done? Let’s probe the existing maintenance contract of MRT 3, and everything else will follow,” ani Pimentel.
Ngayon pa lamang ay may nakikita nang butas si Pimentel sa pamamalakad ng MRT 3 at kabilang na rito ang congestions at kakulangan sa maintenance kaya nalalagay sa panganib ang buhay ng mga pasahero.