Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nagoyo ng bading Japok nagreklamo

KALIBO, Aklan – Binawi ng isang turistang Hapon ang ibinigay na singsing sa isang bading na napagkamalan niyang babae na kanyang naka-one-night stand sa Brgy. Balabag sa Boracay.

Personal na dumulog sa Boracay Tourist Assistance Center (BTAC) ang isang Japanese national na tumangging magpabanggit ng pangalan, upang mabawi ang kanyang 18 carat gold na singsing na ibinigay sa naturang ‘lady boy.’

Ayon sa 29-anyos Hapon, naglalakad siyang mag-isa pauwi sa kanyang tinutuluyang hotel dakong 11:30 p.m. sa naturang lugar, nang biglang hinila ng inakala niyang babae at dinala siya sa madilim na bahagi ng kalsada para sa panandaliang aliw.

Sinabi ng biktima, hiningan muna siya ng pera ng inakala niyang babae, ngunit nang walang maibigay ay kinuha niya ang kanyang singsing sa daliri upang matuloy lamang ang kanilang pagtatalik.

Nang makarating sila sa tinutuluyang hotel, napagtanto ng Hapon na isang bading o ‘lady boy’ pala ang kanyang nakatalik kaya’t agad humingi ng tulong sa pulis.

Sa follow-up operation ng BTAC, boluntaryong isinauli ng ‘lady boy’ ang gintong singsing ng Hapon.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …