Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Baka humanga sa pagtugtog ng trombone ng amo

081314 cow trombone

NATAWAG ng farmer ang pansin ng mga alaga niyang baka sa pamama-gitan ng pagtugtog ng trombone. (ORANGE QUIRKY NEWS)

NAKAISIP nang magandang paraan ang isang farmer sa Kansas sa pag-aliw sa alaga niyang mga baka, sa pamamagitan ng pagtugtog sa mga ito ng trombone.

Ini-post ni Derek Klingenberg, inilarawan ang kanyang farm bilang lugar “where I raise grain, beef, kids and creativity,” ang kanyang pagtugtob ng trombone sa kanyang YouTube site.

Tinugtog ng 35-anyos ang Lorde song Royals upang makuha ang atensiyon ng mga baka.

Sa nasabing video, mapapanood siya habang mag-isang nakaupo at pinatutugtog ang instrumento.

Pagkaraan ay napansin siya ng mga baka na isa-isang lumapit sa kanilang amo.

Kalaunan ay nakapila na ang mga baka sa ilang rows ilang metro ang layo mula sa harap ng farmer, at umuunga kasabay ng tuno ng trombone.

Bagama’t natuto ng trombone ang farmer noong siya ay fifth grade pa lamang sa paaralan, sinimulan niya ang pagtugtog nito sa mga baka limang linggo pa lamang ang nakararaan.

Aniya, ang dahilan kung bakit nakukuha niya ang atensiyon ng mga baka ay dahil ang nasabing mga hayop ay ‘curious creatures’ at batid nilang may ibibigay na pagkain ang farmer bukod sa pagtugtog ng trombone.

Aniya, ang kanyang performance ay hudyat ng pagbibigay niya ng snack na molasses, at ito ang pangunahing nakahihikayat sa mga baka.

“When they hear it they know they’re getting a treat,” aniya.

“They’re curious. They’re a good audience.” (ORANGE QUIRKY NEWS)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

Nasugbu, Batangas –  SM Foundation in collaboration with Costa Del Hamilo, Inc. and the barangay …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …