Saturday , April 26 2025

Fil-Ams palalakasin ang line-up ng Falcons

LIMANG Fil-American players ang nakalinya ara sa line-up ng Adamson Falcons sa susunod na season ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP).

Ito ang inihayag ni Vince Hizon, isa sa mga assistant coaches ni Kenneth Duremdes sa season na ito. Kasama ni Hizon bilang assistant si Marlou Aquino.

Ayon kay Hizon ay sinimulan nila ang paghahanap ng mga manlalaro habang sila ay nagto-tour sa Estados Unidos  at naglalaro ng goodwill games.

“We held basketball clinics for Fil-Ams in Los Angeles, Chicago ang Baltimore. We saw a lot of Fil-Ams and invited them over,” ani Hizon.

“It’s a good offer for them because they will be able to study and at the same time return to their roots,” dagdag ni Hizon.

Kaya naman umaasa si Hizon na makakabawi ang Falcons hindi sa kasalukuyang season na ito kungdi sa susunod na taon kapag naglalaro na ang kanilang mga nadiskubreng Fil-Ams.

Sa kasalukuyan ay hindi pa nakakatikim ng panalo ang Adamson matapos ang anim na laro. Noong Sabado ay natalo sila sa University of the Philippines Fighting Maroons. Iyon ay labanan ng mga walang panalo.

Bago iyon ay nalimita sila sa 25 puntos ng National University Bulldogs.

Aminado si Hizon na mahina ang kanilang line-up at maliliit sila.  Labing-isa ang kanilang rookies kung kaya’t kulang na kulang sila sa experience.

Bale ang natira lang nilang kamador ay si Don Trollano samantalang naiwan sila ni Jericho Cruz kahit na eligible pa ito. Lalahok na raw si Cruz sa PBA Draft.

“We have to be patient with the team And they with us. We will continue looking or talents here and abroad,” ani Hizon.

Sabrina Pascua

About hataw tabloid

Check Also

Philippine water polo junior teams, bronze sa Kuala Lumpur, Malaysia

Philippine water polo junior teams, bronze sa Kuala Lumpur, Malaysia

UMUKIT ng kasaysayan ang Philippine water polo junior teams tampok ang bronze medal ng boys’ …

World Slasher Cup 2025, Muling Babandera sa Ikalawang Edisyon sa Big Dome

World Slasher Cup 2025, Muling Babandera sa Ikalawang Edisyon sa Big Dome

Ang ikalawang edisyon ng World Slasher Cup 2024 ay nakatakdang ganapin mula Mayo 21 hanggang …

Milo Summer Sports Clinics

Milo Summer Sports Clinics

Ang matagal nang isinasagawang MILO Summer Sports Clinics ay inilunsad ngayong taon sa pinakamalaking saklaw …

AVC Petro Gazz talo sa Kaoshsiung Taipower

AVC: Petro Gazz talo sa Kaoshsiung Taipower

NANAIG ang Kaoshiung Taipower ng Chinese, Taipei, 25-15, 25-16, 19-25, 25-20 kontra Petro Gazz Angels sa 2025 …

Taipower nagpasiklab sa pagbubukas ng AVC

Taipower nagpasiklab sa pagbubukas ng AVC

Mga Laro sa Lunes(Philsports Arena) 10 am – VTV Binh Dien Long An vs Baic …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *