Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jen, okey lang dumalo sa kasal ni Patrick

081314 patrick garcia Jennylyn Mercado
ni Rommel Placente

IKAKASAL na si Patrick Garcia sa non-showbiz girlfriend niyang si Nikka Martinez. Si Patrick ay ex ni Jennylyn Mercado na nagkaroon sila ng anak, si Alex Jazz.

Ayon kay Jennylyn sakaling imbitahan siya ni Patrick sa kasal nito ay dadalo siya.

“Kung invited, bakit hindi?” sabi ni Jennylyn.

“Okey kami ni Patrick. Wala namang  problema.”

Nakilala na raw ni Jennylyn noon pa ang magiging misis ni Patrick.

“Hindi pa siya buntis noon, magkakilala na kami. Matagal na.”

Samantala,may balitang nakipagbalikan si Jennylyn sa ex niyang si Dennis Trillo. Inililihim lang daw ng dalawa ang kannilang pagbabalikan. Na ayon naman kay Jennylyn ay walang balikang nangyari sa kanila ni Dennis.

“Hindi kami nagkabalikan,” tanggi ni Jennylyn.

“Magkaibigan lang kami niyon. Ayoko na kasi ng may kasamaan ng loob, ‘di ba? Tapos na naman ‘yung mga nangyari noon. Kinalimutan ko na ‘yun. Ang importante ngayon, okey ako sa mga naging boyfriend ko.”

Kayo ba ni Luis Manzano, okey na rin ba?

“Hindi pa,” pag-amin ni Jennylyn.

Kung hindi nakipagbalikan si Jennylyn kay Luis, ibig sabihin nito ay single pa rin ang aktres. Hindi pa raw siya handang pumasok ulit sa isang relasyon.

“Time na lang ang makapagsasabi kung kailan ulit ako makikipagrelasyon,” sabi pa ni Jennylyn, ang bagong endorser ng ZH & K Mobile.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …