DAHIL ang Eat Bulaga ang nagbigay-daan sa karir ni Aiza Seguerra sa showbiz—via Miss Little Philippines—usap-usapan sa mga umpukan ng Dabarkads ang pagpapakasal ng dating child wonder sa kanyang kasintahang si Liza Dinio.
But more than their wedding—one to take place in the US at isa pa rito sa bansa—sentro ng diskusyon among the noontime program hosts ang planong pagbubuntis ni Liza courtesy siyempre of Aiza.
Kuwento ni Joey de Leon sa amin habang commercial break ng Startalk, “Nag-survey ako sa mga kasamahan kong babae sa ‘Eat Bulaga’. Tinanong ko sila if ever nasa iisang sitwasyon sila nina Aiza at Liza, ‘Importante ba sa inyo na malaman kung sino ang sperm donor n’yo?’ Sa lahat, medyo valid ‘yung isinagot ni Pia (Guanio). Sabi niya, mahalaga raw na malaman niya kung kaninong sperm cells ang ipagbubuntis niya para ma-determine ‘yung genetics. Baka naman daw kasi may history ng malubhang sakit ‘yung sperm donor.”