ni Nonie V. Nicasio
SA panayam kamakailan kay Anne Curtis, ipinagkibit-balikat lang ng magandang aktres ang bansag sa kanya ng iba bilang manginginom o laklakera.
Tinawanan lang daw ni Anne ang bansag sa kanyang ito at sinabing hindi ito isyu para sa kanya. “No, not an issue for me at all. I had worse, so it’s not an issue at all.”
Inamin din ni Anne na minsan ay nawawala siya sa kontrol kapag nasosobrahan ng inom. “Well, I don’t deny naman that I drink and of course, minsan nalalasing naman talaga. At least I’m honest about it, so I think it’s something na at least iyong tao, hindi nasa-shock na, ‘Oh, my God, napaka-scandalous!’ Kasi, alam nilang, ‘A, she’s like us.’ It happens naman, hindi ba?”
Ayon pa kay Anne, ipinapakita lang niya na normal lang si-yang tao na tulad ng iba, na nakararanas din nang ganito.
“I was honest about it, hindi ako nagtago. Tapos I admitted it was a mistake. So, it just goes to show na tao ako and I think people could relate. Kasi, at one point in their lives, I’m sure it happened to them, ‘di ba? “Nangyayari talaga, at least I was brave enough to admit it, that it was a mistake,” wika pa ng tisay na host ng It’s Showtime.