Saturday , November 23 2024

Barangay secretary na bading nagbigti

WALA nang buhay nang matagpuang nakabitin ang isang baklang kalihim ng barangay, sa kusina ng bahay ng kanyang kaibigan sa MacArthur Village Subdivision, sakop ng Brgy. Longos sa Lungsod ng Malolos, sa lalawigan ng Bulacan.

Kinilala ang biktimang si Charles Mateo, 30, naglilingkod bilang kalihim ng Brgy. Pinagbakahan sa nabanggit na lungsod.

Ayon sa ulat ng pulisya, dalawang linggo nang hindi umuuwi sa kanilang bahay ang biktima sa hindi pa malamang dahilan at pansamantalang nakikituloy sa bahay ng kanyang lola sa nasabing subdibisyon.

Hanggang makitang nakabitin dakong 9 p.m. sa bahay ng kanyang kaibigan sa nasabi rin subdibisyon.

Hinala ng pulisya, maaaring matinding selos sa kanyang boyfriend ang nagtulak sa biktima na wakasan ang kanyang buhay batay na rin sa ilang impormasyong kanilang nakuha sa isinagawang imbestigasyon.

(DAISY MEDINA)

About hataw tabloid

Check Also

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

Technology and Resilience Take Center Stage in DOST 9 RSTW

The Department of Science and Technology (DOST), in collaboration with Western Mindanao State University (WMSU), …

MOHS Remed Pharmaceuticals

MOHS acquires major pharma company

In pursuit of its strategy of vertical integration of its flagship healthcare and wellness business, …

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

First Lady Liza Marcos nagbigay ng ayuda sa mga biktima ng bagyo

PINANGUNAHAN ni First Lady Marie Louise “Liza” Araneta Marcos ang distribution ng ayuda sa daan-daang …

Benhur Abalos Jr Senate

Benhur Abalos, top 9 ng Tangere Survey para  sa 2025 senatorial race

KUNG gagawin ngayonang eleksiyon, pasok sa ika-9 na puwesto si Atty. Benjamin “Benhur” Abalos, Jr., …

arrest, posas, fingerprints

Sa Bataan
P1.7-M DROGA NASAMSAM, 2 TULAK TIKLO

DALAWANG suspek na itinuturing na high value individuals ang nasakote sa magkahiwalay na buybust operations …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *