Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

14-anyos dalagita huli sa repack ng P5.9-M Shabu

081214_FRONT

CEBU CITY – Tiniyak ng Cebu City Police Office na may mananagot sa batas kaugnay sa bulto-bultong shabu na nakompiska mula sa isang 14-anyos dalagita sa Balaga Drive, Brgy. Labangon, lungsod ng Cebu.

Ayon kay City Intelligence Branch chief, Supt. Romeo Santander, inaalam pa nila kung saan at sino ang naging amo ng dalagitang nahuli nitong Sabado ng gabi.

Aniya, tinitingnan nila ang legal implications ng suspek dahil sa edad niyang 14-anyos pa lamang.

Sinabi ni Santander, ang dalagita ay drug courier lamang at hindi siya mismo ang nagtutulak.

Sa tactical investigation, inamin ng suspek na may taong naghahatid sa kanya ng illegal na droga para i-repack bago dalhin sa mga drug pusher.

Nabatid din na ang dalagita ay tumatanggap ng P1,000 bawat transaksiyon mula sa kanyang amo ngunit hindi masabi ang pangalan.

Iginiit ng dalagita na siya ay naglayas dahil sa hindi kanais-nais na karanasan sa mga magulang.

Sa ngayon ang suspek ay temporaryong ikinustodiya sa pulisya at itu-turn over sa DSWD.

Una rito, sa raid ng pulisya sa isang bahay na naging drug den, laking gulat nila nang tumambad sa kanilang paningin ang dalagita habang nagre-repack ng shabu na tinatayang nagkakahalaga ng P5.9 milyon.

HATAW News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …