Sunday , January 25 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Diary ng Pogi (Just Call me Lucky 2) (Part 57)

diary ng pogi

PAGKATAPOS NI TABA-CHOY SI BOY LACTACID NAMAN

Hindi lang kapeng mainit sa mugs ang aming pinaghaharapan kundi pati na ang paerehan sa isa’t isa.

Hindi siyempre patatalo sa amin ni Biboy si Boy Lactacid. Ibig niyang mapanatiling hawak ang korona sa pagiging matinik sa chicks.

Lagi niyang ipinagyayabang na ipinanganak daw siyang “habulin ng babae.” Pati ang kapitbahay na GRO ay naglalaway umano sa kanya. At gustong-gusto umano siyang matikman ng isang kakilalang prosti-girl.

Inokray-okray siya ni Biboy.

“E, ‘di wala kang hilig magpunta sa mga fun houses na may live show?” banat nito sa pagtatanong.

“Magbabayad ako para lang makakita ng special tahong? Hindi na, oy!” iling ni Mykel.

“Sayang… punta pa naman kami ngayon doon ni Lucky,” sabi ni Biboy na kumindat sa akin.

“Aba, let’s go!” biglang kambiyo ni Mykel. “Pwede naman sa akin ang toma lang… Lalo’t libre.”

Sa mga larakaran ng aming dabarkads ay laging si Biboy ang tumataya. Pero naghahatag din naman ako kapag nagkataong may laman ang bulsa ko.

Si Mykel? Nagsi-share din naman ang tinamaan ng magaling… ng mga nakayayanig na paha-ngin. Bale ba, malakas na ngang lumaklak ng beer, e, matakaw pa sa pulutan. At malakas din mang-alaska pati sa kabarkadang nanlilibre.

Tatlo kami nina Biboy at Mykel na nag-”two for the road” at nanood ng bold show nang ga-bing iyon sa isang bahay-aliwan na matatagpuan sa kahabaan ng Rizal Avenue na sakop ng Sta. Cruz, Manila.

Paglabas namin doon , agad idiniga sa akin ni Biboy na gusto niyang maghapi-hapi sa piling ng isang seksi at mabangong chikababes.

“Aba, hoy! Sama siyempre ako sa inyo,” pagpipresinta ni Mykel.

“Akala ko ba, ‘di ka pumapatol sa mga ‘business woman’?” sundot ko sa kanya.

“Kung ako ang magbabayad, oo… Pero for free naman, ‘di ba? Dahil iisponsoran ako ni Biboy,” ngisi sa akin ng kapalmuks na si Boy Lac-tacid.

Kasabihan nga: “Birds of the same feather flock together.” Pinasok naming magkakabarkada ang suking massage parlor ni Biboy. Puro magaganda at seksi ang mga masahista. Kanya-kanyang pili daw kami ng aming makakapareha.

(Itutuloy

ni Rey Atalia

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

SM Foundation renovates chapel in Nasugbu

Nasugbu, Batangas –  SM Foundation in collaboration with Costa Del Hamilo, Inc. and the barangay …

PUP Ad Congress FEAT

Let’s Play! Future Creatives Take the First Move at 22nd AdCongress

In an industry where every move counts, the 22nd Advertising Congress (AdCongress) challenges the next …

DOST CINCO Digital ESWF BB 88 ENTER BATTLE ZONE 2026 SALPAKAN Vi the Game Competitions

DOST, CINCO Digital, ESWF, and BB 88 Expand ENTER BATTLE ZONE 2026 with SALPAKAN and Vi the Game Competitions

Bicutan, Taguig City — The Department of Science and Technology (DOST), in partnership with key …

SM City Cebu

A Cebuano New Year Like No Other at SM Supermalls

The locals of the Queen City of the South know how to have a good …

SM San Vicente Health Center Photo

Bagong renovate na health center, hatid ang malasakit at pangmatagalang kalusugan ng komunidad

Ang bagong ayos na San Vicente Health Center ay nagbibigay ng mas maayos na daloy …