Friday , April 25 2025

Losing skid pinatid ng UP

SA wakas!

Napatid din ang 27-game losing skid ng University of the Philippines Fighting Maroons nang gapiin nila ang Adamson Falcons, 77-64 para sa kanilang kauna-unahang panalo sa 77th season ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) men’s basketball tournament noong Sabado sa Mall of Asia Arena.

Bunga ng panalo ay umakyat sa ikapitong puwesto ang Fighting Maroons sa record na 1-6. Bumagsak naman sa huling puwesto ang Falcons sa record na 0-6.

Ito ang unang panalo ng Fighting Maroons buhat nang talunin nila ang University of the East Red Warriors, 63-48 noong Agosto 19, 2012.

Bale ikalawang panalo ito ng UP sa 44 games!

Kaya naman para na rin nagkampeon ang Fighting Maroons!

Biruin mong unang panalo pa lang nila sa season ay may naghiyawan na ng “bonfire! bonfire!”

Naintindihan natin ang damdamin ng mga estudyante’t propesor sa UP na matagal na hinintay ang pagkakataong ito. Kung ako man ay tagaroon, aba’y magdiriwang ako!

Nagbida para sa Fighting Maroons ang nagbabalik na  Mikee Reyes na nagtala ng 28 puntos. Ito ay one-point shy ng season-high 29 puntos na ginawa ni Keifer Ravena ng Ateneo Blue Eagles.

Nagdagdag ng 24 si JR Gallanza para sa mga taga-Katipunan.

Ang gumiya sa Fighting Maroons sa panalong iyon ay si Ramil Cruz na tinulungan ng kapwa niya assistant coach na si Poch Juinio. Hindi kasi nila nakasama ang head coach na si Rey Madrid na nasuspindi ng dalawang games.

Well, sa oras na isinusulat ito’y tapos na ang pagdiriwang ng UP Fighting Maroons at mga supporters nila.

At marahil ang iniisip nila ngayon ay kung paano masusundan ang panalong iyon.

Alangan namang makuntento sila sa iisang panalo lamang!

Sabrina Pascua

About hataw tabloid

Check Also

Philippine water polo junior teams, bronze sa Kuala Lumpur, Malaysia

Philippine water polo junior teams, bronze sa Kuala Lumpur, Malaysia

UMUKIT ng kasaysayan ang Philippine water polo junior teams tampok ang bronze medal ng boys’ …

World Slasher Cup 2025, Muling Babandera sa Ikalawang Edisyon sa Big Dome

World Slasher Cup 2025, Muling Babandera sa Ikalawang Edisyon sa Big Dome

Ang ikalawang edisyon ng World Slasher Cup 2024 ay nakatakdang ganapin mula Mayo 21 hanggang …

Milo Summer Sports Clinics

Milo Summer Sports Clinics

Ang matagal nang isinasagawang MILO Summer Sports Clinics ay inilunsad ngayong taon sa pinakamalaking saklaw …

AVC Petro Gazz talo sa Kaoshsiung Taipower

AVC: Petro Gazz talo sa Kaoshsiung Taipower

NANAIG ang Kaoshiung Taipower ng Chinese, Taipei, 25-15, 25-16, 19-25, 25-20 kontra Petro Gazz Angels sa 2025 …

Taipower nagpasiklab sa pagbubukas ng AVC

Taipower nagpasiklab sa pagbubukas ng AVC

Mga Laro sa Lunes(Philsports Arena) 10 am – VTV Binh Dien Long An vs Baic …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *