ni Alex Datu
Speaking of Marion, katatapos lang nitong mag-compose ng isang awitin para kay Kathryn Bernardo entitled You Don’t Know Me at na-record na ito para sa kauna-unahang album ng aktres. Kasabay dito ‘yung pagiging interpreter niya sa awiting gawa ni Jinji Marcelo para saHimig Handog P-Pop Love Songs sa taong ito.
Dagdag nito, after Himig Hamog ay sisimulan na niya ang second album and aside sa kanyang composition ay kasama rin sa album ang isang composition sa kanya ni Vehnee Saturno.
Plano rin nitong pumasok sa pag-arte kaya kailangang dumaan sa maraming workshop dahil tiyak ikukompara siya sa kanyang Tita Nora. Aniya, ”Inaasahan ko na ‘yan, tiyak na ikukompara nila ako. Baguhan lang naman ako kaya ano ang ma-expect nila sa akin. Besides gusto kong role ay mga pa-tweetum muna at gusto ko rin medyo kontrabida pero dapat justified kung bakit naging kontrabida ang karakter ko. I have still a long, long way to go and I am not here to compete with my Tita Nora, kung makilala man ako someday as an actress, I want to make it on my own.”
MICHAEL, INTERPRETER NG PARA, MAHAL MO DAW AKO NI DIREK TAN
Speaking of Himig-Handog, isa rin si Michael Pangilinan sa mga interpreter at ang komposisyon mismo ni Direk Joven Tan ang kanyang kakantahin entitled, Pare, Mahal Mo Daw Ako.
Sa title pa lang, tiyak maraming makikiliti rito and just wondering kung ang peg nito ay ang My Husband’s Lover. Gaganapin ang grand finals sa SM MOA Arena sa September 28.
Good luck Marion and Michael!