Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Robin, gustong pag-aralan ang pagkain ng blade

081114 robin

ni Pilar Mateo

KOMPIRMADO na ang pagtatambal ng mag-asawang Mariel Rodriguez at Robin Padilla sa paghu-host ng Talentadong Pinoy sa TV5 simula August 16, 2014.

Tuwang-tuwa ang mag-asawang nagkuwento after their pictorial kung paanong dumating sa palad nila ang offer.

Ayon kay Robin, siya muna ang kinausap ng pamunuan sa pangunguna ni Ms. Wilma Galvante.

“Plinantsa ko rin muna ang lahat. Tinanong ko ‘yung kay Ryan Agoncillo pati na kay Willie Revillame. Kung ano ang nangyari. Siyempre, ayoko na may nasasagasaan. Hindi ko muna sinabi agad kay Mariel. Sinorpresa ko rin muna siya noong siguradong-sigurado na.

“Nakipag-usap at nagpaalam din ako sa ABS-CBN. Pumayag naman sila.”

Masayang pagbabalik nga raw ito sa kanila. Sa klase ng show kung saan din sila nagkagustuhan at ligawan. ‘Yun nga lang, may restrictions sa “talentadong couple” sa paglabas nila sa telebisyon. No PDA (public display of affection.

“Dapat ang bida, ang contestants, hindi kami. Mga talent nila ang ipakikita. Gusto ko sana na makilala ang mga contestant pero binaril ‘yun ng management kaya ang request ko na lang eh kahit makasabay na lang silang kumain para lang may idea ako ng mga taong sasali sa show.”

Sa rati kasi niyang show, nakilala si Robin sa pamimigay ng premyo kaya inililipat-lipat siya ni Willie ng portion niya.

Tinanong ko si Robin kung ano ba naman ang talent nila ni Mariel.

Nagawa na raw niya lahat from stunts to acting.

“Sa mga napanood ko, hanga ako roon sa kumakain ng blade. Pwede ko pag-aralan. At saka ‘yung magic.”

Binanggit ko sa kanya na darating sa bansa ang kilala sa world of magic na si David Blaine at interesado siyang mapanood ito.

Si Mariel eh, ang pagiging isang misis niya at pag-aalaga sa kanyang malaking baby dahil sa mga niluluto niyang gawa sa organic para rito.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …