Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Chiz o Roxas tandem kay Binay (Kapag umayaw talo)

081014 binay mar chiz

INAMIN  ni Vice President Jejomar Binay na kabilang sa ikinokonsidera sa posibleng koalisyon ang tambalan niya kay Sen. Chiz Escudero o DILG Sec. Mar Roxas bilang pambato ng administrasyon sa 2016 elections.

Magugunitang inihayag kamakailan ni Binay ang posibleng pag-adopt sa kanya ng Liberal Party (LP) bilang standard bearer sa presidential elections.

Marami naman ang bukas pero ilang taga-LP ang nagsabing malamig sila kay Binay bilang kandidato.

Sinabi ni Binay na sang-ayon sa napag-uusapan, lahat ay posible at wala pang pinal na desisyon.

Ayon kay Binay, hindi na siya nagtaka sa pagtanggap ng Aquino sisters sa kanyang posibleng pagiging LP adopted candidate dahil sa kanilang pinagsamahan noong EDSA People Power Revolution.

Para naman daw sa mga ayaw sa kanya bilang LP candidate, ang mapikon ay talo.

Inihayag din ni Binay na napag-usapan na nila ni Manila City mayor Joseph Estrada ang nasabing koalisyon.

Sa pamamagitan daw nito, mapapalaki ang tsansang manalo at maiibsan ang politika na nagsimula nang uminit bago pa ang 2016.

“Sabi nga sa ‘yo, walang imposible sa politika. Lahat posible. Kasama sa mga kino-consider (Roxas, Chiz), “ ani Binay.

Matatandaang inihayag kamakailan ni Escudero na wala pa silang napag-uusapan hinggil sa pagtakbo  sa nalalapit na eleksyon.

Ayon kay Escudero, tututok muna sila sa kasalukuyan sa mga panukalang batas at ang nalalapit na budget hearing ng Senado. (NIÑO ACLAN/CYNTHIA VIRTUDAZO)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …