Saturday , November 2 2024

Copyright ng unggoy sa sariling selfie kinatigan ng Wikipedia

080914 monkey selfie

IDINIING “ang unggoy ang may-ari nito,” ibinasura ng foundation sa likod ng open-source encyclopedia Wikipedia, ang hiling ng British photographer na alisin ang selfie ng isang unggoy na kuha sa Indonesia noong 2011.

Tinanggihan ng Wikimedia ang hiling ng photographer na si David Slater na alisin ang larawan dahil mismong ang unggoy ang pumindot sa shutter button ng camera.

Ang kinukwestyong larawan ay ang selfie ng nakangiting babaeng macaque na kuha nang damputin ng unggoy ang camera ni Slater at pinindot ang shutter button.

“A photographer left his camera unattended in a national park in North Sulawesi, Indonesia. A female crested black macaque monkey got hold of the camera and took a series of pictures, including some self-portraits. The pictures were featured in an online newspaper article and eventually posted to Commons. We received a takedown request from the photographer, claiming that he owned the copyright to the photographs,” ayon sa Wikimedia sa kanilang transparency report.

“We didn’t agree, so we denied the request,” anila.

Itinuring ng Wikimedia ang larawan – na isinama sa kanilang online database ng royalty-free images – bilang “(s)elf-portrait ng babaeng Celebes crested macaque (Macaca nigra) sa North Sulawesi, Indonesia, na dinampot ang camera ni Slater at kinunan ng larawan ang kanyang sarili.

Binigyan lamang ng Wikimedia ng credit si Slater sa pag-rotate at pag-crop sa larawan na naging headlines sa buong mundo.

Ngunit idiniin ni Slater na siya ay nalugi sa kanyang gastos kaya iginiit na siya ang may karapatan sa copyright ng larawan, ayon sa The Telegraph ng UK.

Aniya, ang photography trip ay napakamahal at wala siyang kinita mula sa nasabing larawan.

“That trip cost me about £2,000 for that monkey shot. Not to mention the £5,000 of equipment I carried, the insurance, the computer stuff I used to process the images. Photography is an expensive profession that’s being encroached upon. They’re taking our livelihoods away,” aniya. GMA News/The Telegraph UK)

About hataw tabloid

Check Also

Prestone

 A New Era of Vehicle Protection is Here with Prestone’s 5X Superior Protection Guaranteed

The #1 Brake Fluid and #1 Coolant in the Philippines unveils the new look of …

Puregold Masskara Festival

Mga kilalang OPM artist nakipista sa Bacolod Puregold MassKaravan at Concert

SAMA-SAMANG dinala ng mga hip-hop icon na sina Skusta Clee at Flow G at PPop megastar na SB19ang panalo spiritsa Puregold …

DOST Region 02 Expands STARBOOKS Access in Sto. Tomas, Isabela

DOST Region 02 Expands STARBOOKS Access in Sto. Tomas, Isabela

The Department of Science and Technology (DOST) Region 02 continues to expand its STARBOOKS program …

Ysabel Ortega Miguel Tanfelix Rhea Tan Sofia Pablo Shaira Diaz Beautederm Belle Dolls

Miguel mala-Ken Doll sa Belle Dolls launch

RATED Rni Rommel Gonzales NAGMISTULANG Ken Doll si Miguel Tanfelix sa piling ng tatlong Barbie Dolls na …

PlayTime Binibining Pilipinas

PlayTime binigyang papremyo mga nagwagi sa Binibining Pilipinas

NAGKALOOB ng papremyo ang PlayTime, lumalagong online gaming entertainment platform, sa mga kandidato ng Binibining Pilipinas na nanalo ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *