Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Nacionalista Party handa nang sumabak sa 2016

080914_FRONT

LALO pang pinaigting ang tibay ng Nacionalista Party sa Camarines Sur matapos sumapi ang marami pang miyembro kabilang ang ilang dating nasa partido ng administrasyon, ang Liberal Party.

Noong Huwebes, sinaksihan nina Senador Cynthia Villar at Ferdinand “Bongbong” Marcos ang pormal na oath-taking ceremony ng mga bagong NP members na pinangunahan ni NP provincial chairman at dating Gobernador LRay Villafuerte.

“Ito ay bahagi ng aming consolidation process sa layuning lalo pang mapalakas ang aming hanay bilang paghahanda sa eleksiyon sa 2016,” ani Marcos.

Ayon  kay Villafuerte, ang panunumpa ng mga bagong kasapi ng partido ay nagbigay-daan para maging solido ang liderato ng pamahalaang pamprobinsiya na ang gobernador hanggang mga Bokal ay miyembro ng NP.

“Ipinapakita lamang nito na ang Nacionalista Party ang pinaka-organisadong partido sa aming lalawigan,” diin ni Villafuerte.

Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng politika sa Camarines na lahat ng mga lokal na lider ay mula sa iisang partido.

“Kami ay naniniwala na ang  mga lider na mula pa sa ibang partido sa Cam Sur ay lumilipat sa NP dahil batid nilang sa ilalim ng aming partido, nakatitiyak sila ng mas sigurado at mas mabilis na serbisyo para sa kanilang mga nasasakupan,” ani Villafuerte.

Kabilang sa mga bagong NP members ay apat na incumbent mayors, 5 vice mayor, 3 board member, at daan-daang konsehal at mga kapitan ng barangay.

Kinatigan ni Villafuerte ang pahayag ni Marcos na ang naturang konsolidasyon ay paghahanda para sa darating na halalan. Ang anak ni Villafuerte na si Miguel ang kasalukuyang gobernador doon.

Sina Marcos at Senador Alan Peter Cayetano ay nabibilang sa maaaring maging standard bearer ng partido.

“Ngunit sa ngayon ay masyado pang maaga para tiyakin natin, maaari pa rin naman kaming magkaroon ng alyansa sa ibang partido,” ayon sa NP official.

Sa isang panayam kay Villar sa Libmanan, sinabi niyang ang kanyang asawang si dating Senador Manny Villar ay hindi na interesado sa pagkapangulo.

Ang NP ang pinakamatandang partido politikal sa Filipinas at sa buong Asya.

HATAW News Team

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …