Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Manager ng outsourcing company nag-suicide

TUMALON mula sa ika-22 palapag ng condominium ang isang Singaporean national na manager ng isang kompanya sa Taguig City kahapon ng umaga.

Patay agad ang biktimang si Quiao Sheng Zhang, 28, branch manager ng Trinco Inc., – BPO Company, isang business process outsourcing company, sa Makati City at pansamantalang naninirahan sa Room 22-D, Crescent Park Residences Condominium, sa 30th St., corner 2nd Avenue, Bonifacio Global City (BGC).

Sa ulat na tinanggap ni Taguig City Police chief, Sr. Supt. Arthur Felix Asis, dakong 4:29 a.m., nang mangyari ang insidente sa ika-22 palapag sa loob ng kanyang unit.

Bago mangyari ang pagtalon, tinawagan niya ang ilang kaibigan saka sinabing wawakasan na niya ang kanyang buhay at nagbilin na ipaalam na lamang sa kanyang mga magulang ang sinapit.

Sinisiyasat ng pulisya ang motibo ng pagtalon ng biktima habang inaalam kung may foul play sa insidente.

(JAJA GARCIA)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Daniel Fernando Bulacan

Fernando naglabas ng EO na bumubuo sa Provincial Infrastructure Coordinating Council

UPANG matugunan ang mahigpit na pangangailangan sa paggawa ng isang Comprehensive Provincial Infrastructure Master Plan …

Bulacan SubayBAYANI Award

Patunay ng mabuting pamamahala
Bulacan, nakamit ang SubayBAYANI Award Exemplar Status para sa 2025

BILANG isang matibay na pagpapatunay ng pangako ng lalawigan ng Bulacan sa tuluy-tuloy nitong pagsunod, …

Bulacan Police PNP

11 timbog sa drug bust sa Bulacan

MATAGUMPAY na naaresto ng mga awtoridad ang 11 indibidwal na sangkot sa ilegal na droga …

Arrest Shabu

Sa Sta. Maria, Bulacan
P3-M shabu nasamsam, HVI tiklo

ARESTADO ang isang lalaking nakatala bilang high value individual sa ilegal na droga habang tinatayang …

DA‑4K NFA Rice IP Occidental Mindoro

Rice-Procurement Partnership ng mga magsasakang IP at ng pamahalaan, inilunsad

ISANG makasaysayang partnership ang inilunsad kamakailan upang isama ang Indigenous People (IP) usa local rice …